EPISODE 8 (MINERVA COLLEGE)

1 0 0
                                    

Jazelein's POV

Kring! Kring! Kring!

"Ayy bulati!" Gulat na sigaw ko dahil sa alarm clock, jusko ang hirap pag di ka sanay parang aatakehin ako sa puso nito.

Napabalikwas ako ng tayo at inayos ko ang hinigaan. Nag-unat unat muna ako ng aking braso sa may bintana at binuksan ito. Sumalubong sa'kin ang maaliwalas na araw. Woah, napunta ako sa isang mansyon? Natulog ako sa isang napakalambot at napakalawak na kama, at kumain ako ng mga prutas! Oh my juices!

"Hindi nga ako nananaginip." Napalingon ako bigla sa may pinto.

"Señorita, nakahanda na po ang pagkain ninyo." Rinig kong sabi ni Manang Alicia sa boses niya. Dali-dali akong tumingin sa orasan, 6:27, hmm ano namang meron?

Sinuklay ko ang aking nakalugay na buhok gamit ang aking mga daliri habang papunta sa pinto.

"Manang Alicia?" Tawag ko kay Manang nang mabuksan ko ang pinto. Nawala siya agad, amp.

"Manang Alicia?" Habang naglalakad sa lobby nitong second floor ng mansion.

"P-Po señorita? Pasensya na ngayon ko lang po narinig," sabi niya at yumuko.

"Naku, ayos lang ho. Ahm magtatanong lang sana ako." Malumanay na sabi ko sa kanya na ikinagulat niya, ewan ko lang kung bakit.

"Anong gagawin ko ngayon? I mean,..." Tumigil muna ako at biglang naisip na what if nag-aral pa si Ax?

"May pasok si a- este si ako ngayon?" Yown, natanong ko rin.

"Opo senorita, at malapit na po mag 7. Malapit na po kayong ma-late sa eskwelahan ninyo."

"Anoo? Naku, sige maliligo nako." Pagkasabi ko nun ay dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko at walang pag-aalinlangang pumasok sa Cr at nag shower.

Wala pang 10 minutes tapos na akong naligo. Futekk, di ko pala nadala yung tuwalya.

Mabilis kong tinungo ang tuwalya ko at bumalik ulit sa Cr para hubarin yung basa kong suot at ibinalot ang katawan sa tuwalya at nagtungo sa cabinet para hanapin yung uniform.

Ano, ahm ano siya color pink na may gray at gray rin yung ribbon tas may nakalagay sa gilid na MC then logo. Tapos yung palda ay color gray rin. So sinuot ko na nga ito. Nakita ko rin ang mga black shoes at pumili ako ng isa at isinuot, siyempre yung walang takong kasi di ako sanay noh.

Tumingin muna ako sa orasan bago lumabas. 6:48 na. Dali dali akong bumaba sa ladder, Charr hagdan yown napa English tuloy ako, pft.

Nasan nga ba yung kusina dito? Huhu, ano ba to bat kasi ang lawak.

Nagpalinga linga naman ako, buti naman at nandito si Manang Alicia. Feel ko, siya yung taga pagbantay sa'kin o tagapag asikaso ganun.

"Senorita, kumain na po kayo. Halika."

Dinala na nga niya ako sa kainan, at kumain dun. Ang ulam ko ay adobo, favorite raw to ni Ax.

Mabilis akong natapos kumain, at hinatid ako ni Manang Alicia sa labasan. Huhu, buti andito si Manang kundi naligaw na talaga ako sa mansyon na to.

"Alpha 1, alpha 1, papalabas na si señorita." Rinig ko sa may gilid. Nang makalabas na kami sa malaking pintuan ng mansyon na ito ay huminto ang kulay asul na kotse sa harap ko. May lumabas naman sa may driver seat at pinagbuksan ako sa may back seat. Halaka, nasan pala yung bag ko? Ah bahala na nga, mali-late pa ako.

Sumakay na nga ako sa kotse at maya-maya pa'y umandar na ito. Charrr, ang ganda talaga maging buhay mayaman. Mas maganda talaga yung personal mo ring maranasan hindi puro imagine lang, yieee.

Napansin kong hindi pa pala ako nakapag suklay, awts peyn. Akma akong titingin sa window ng sasakyan ng bigla itong bumukas kaya bahagya akong nagulat at kalauna'y tumawa ng palihim, pft. Selp kalma.

Tiningnan ko ang bawat nadaraanan namin at nilalanghap ang hangin, ayy amoy ta*, charooott. Ang ganda ng paligid, ang daming magagandang bahay.

Biglang huminto ang sasakyan sa malaking gate, tinry kong buksan ang pinto ng sasakyan at nabuksan ko nga. Yown, HAHHA marunong na ako.

Lumabas na ako at hindi ko alam kung saan ako tutungo. Umalis na rin ang sasakyan pagkalingon ko.

Pinagbuksan ako ng gate sa guard at pumasok na ako. Bumungad sa akin ang malaking building na tantya ko'y 5 floors ata or basta kay laking building talaga ng school kumpara sa school namin noon.

May nakalagay dito na MINERVA COLLEGE.

Patuloy lang ako sa paglalakad pero napansin kong panay silang tingin sa'kin at bulong kaya napayuko na lang ako habang naglalakad.

Malaki ang ground ng school, malawak pala. Sa gilid lang ako dumaan huhu nanginginig kasi yung buong katawan ko. First time ko kaya to, tapos wala pa akong alam saang room ako o Anong section man lang. Lord, tulungan niyo ako. Nakss naman!

"Ouch!" Jusmeyo, nakabangga ako.

"Naku, s-sorry h-ho. Sorry talaga, h-hindi ko talaga sinasadya." Nanginginig na pagso-sorry ko sa isang babaeng nabangga ko. May suot siyang eyeglasses at nakatirintas ang buhok. Bahagya naman siyang nagulat. Ano ba to? Hindi ko naman sila ginugulat ah.

"S-Sorry," Sabi niya at nagmamadaling tumakbo. Anyare dun?

"Uyy, teka." Tinawag ko pa siya pero hindi na siya lumingon. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Malapit na rin akong makarating sa building mga ilang hakbang nalang.

Pero bago yun, nalibang pa ako kakatingin sa mga naggagandahang mga bulaklak dito sa gilid. May tulips, roses, sunflower ilan lang yan sa mga bulaklak na makikita hanggang sa likuran ng school building.

'Grabe naman, parang paraiso naman itong school na to. Ang daming bulaklak, pero bakit walang estudyanteng nagpunta dito?' sabi ko pa sa isip ko.

"Halah!" Naibulalas ko na lang nang maalala kong may klase pa pala. Halaka, late na ako amputekk.

Akma na sana akong tatakbo nang biglang may humawak sa braso ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya na ikinagulat ko.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now