EPISODE 15 (Herald Thompson)

0 0 0
                                    

••Third Person's POV••

Sa mansyon ng mga Morgan, ay nag-aalala na si Madam Mathelda at Madam Josephine dahil hindi pa nauuwi si Ax o sabihin nalang nating si Jazelein. Alas sais na ng umaga at kagabi pa itong hindi nakauwi.

"I think naglayas na naman siya." Napahawak sa sentido si Madam Mathelda habang kausap niya ang kanyang ina sa loob ng silid nila.

"Sa tingin mo, may problema kaya siya? Uhh, hindi ko na rin alam ang nangyayari sa mansyong ito." Pailing-iling na sambit naman ni Madam Josephine at ininom ang pinatimpla nitong tsaa mula sa kasambahay nila.

"Mama, I feel not safe here. It's like we're surrounded by enemy." Napayakap sa sarili si Mathelda. Tumayo ito at pumunta sa malaking bintana at tumingin sa paligid sa labas.

"May napansin ka bang kakaiba sa mansyon? Kung meron ay pwede namang manatili nalang ako rito—"

"Hindi mama. Ayos lang kami rito. Kailangan ka doon sa States sa mga negosyo mo. Alam mo namang ako lang ang nag-iisa mong anak, at si Ax lang din ang nag-iisa mong apo. Kaya walang ibang mamamahala sa ngayon sa negosyo mo sa States." Mahabang litanya ni Mathelda.

"Sa bagay. Bantayan mo lagi ang apo ko Mathelda ha. Kailangan ko ng umalis." Sambit ni Josephine. Ngayon pala ang balik niya sa States para sa mga negosyong pinapatakbo niya doon.

Si Josephine o ang pamilya ni Mathelda ay walang alam sa anumang paggamit ng mararahas na gawain. Sila ay kilalang mabait at walang inaapakan na kung sinong tao. Dahilan siguro kaya sila'y pinagpala ng lubos at nagkaroon ng maraming ari-arian. Ang asawa nitong si Roberto ay matagal ng namayapa sa hindi man lang nabigyan ng katarungan.

Nakalabas na ng mansyon si Josephine at hinatid na siya ng driver nito sa airport. Naiwan si Mathelda sa mansyon ng nalulumbay.

Tumitingin siya sa mga larawang nakapaskil sa kanilang pader na nakaloob dito ang larawan nilang tatlo ng asawa't anak niya. Napangiti ito ng mapait nang maalala ang hindi inaasahang pangyayaring naganap sa kanila ng minamahal niyang si Rodelick.

"Hey tita, where's Ax? Sabay sana kami papunta sa school," napalingon siya at nakita si Reiniel na papalapit mula sa entrance ng kanilang mansion.

"Ijo, mula pa kagabi ay hindi pa siya umuwi." Malungkot na ani nito.

"Ganun ba tita. Don't worry hahanapin ko siya." Nakangiting sambit ni Reiniel na tinanguan ni Mathelda.

"Paalam, tita." At lumabas na ito.

Nasa school na si Reiniel at ipinark ang sasakyan. Pagkalabas niya ay dalawang babae ang masama siyang tiningnan.

"Hey, what's that look?" Tanong niya habang sinarado niya ang kotse. Agad siyang kinwelyuhan ni Carissa at masama siya nitong tiningnan.

"Nasa'n si Ax?" Malamig na tonong tanong nito.

"I-I don't know. Stop that Carissa." Sagot niya at inilayo ang kamay ni Carissa kaya nabitawan naman niya ito. Inayos ni Reiniel ang kanyang uniform.

"Ikaw ang kasama niya kahapon, then how come that you don't know?" Sabi ni Evon.

"Then hindi pa siya nauwi sa mansyon nila." Dagdag pa ni Carissa.

"Kung makapagsalita kayo, parang may isang krimen akong ginawa. Tsk. I don't know. I-I mean..." Pinakalma ni Reiniel ang kanyang sarili para hindi mailabas ang inis na naramdaman.

"I mean, ako nga ang kasama niya. But later on, bumaba siya sa kotse."

"Pero hindi mo siya sinundan? Wala kang kwentang fiance niya, kaya ayaw niya sayo e!" Biglang bulyaw ni Carissa.

I AM NOT YOUحيث تعيش القصص. اكتشف الآن