EPISODE 30 (The Last)

0 0 0
                                    

Jazelein's POV

"What if tumuloy nalang kayo sa bahay namin, ipapakilala ko kayo." Sabi ko nang makalabas na mula sa sasakyan.

"Oo nga naman Ax, payag ka na." Sabi naman ni Evone. Nakita ko namang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napapalakpak ako sa saya dahil sasama sila.

*****

Hindi pa kami nakakarating sa bahay nang makita ko si budss. Hindi ko namalayan at kusang tumakbo nalang bigla ang mga paa ko at niyakap si budss.

"Budsssss, namiss kita ng sobraa." Sabi ko nang makayakap na sa kanya. Bigla naman siyang kumawala.

"Ikaw ba talaga yan ha?" Tinitingnan niya ako ng may paghihinala. Halah?

"Siyempre naman. Ako toh, miss na miss na nga kita e." Sabi ko sa kanya at inakbayan. Bigla naman siyang bumulong sa'kin.

"Sino yang lalaking kasama mo? At dalawang babae?" Bulong na tanong niya sa'kin.

"Ah sila ba? Woyy kayong tatlo, hali kayo lapit kayo sa'min." Tawag ko sa kanila na agad namang lumapit. "This is Ax, Evone, and Carissa. Mga kaibigan ko sila sa Minerva."

"Ax? Carissa? Familiar, hmm." Sabi niya bigla kaya kinabahan naman ako, amp pa'no ba to?

"Ahm, may sasabihin sana ako sayo." Sabi ko at nagdadalawang isip pa kung aaminin ko ba ang mga nangyari. Pero bigla nalang akong hinila ni Ax palayo sa mga kasama namin.

"Wag mo ng sabihin yung tungkol sa ginawa natin. Sikreto nalang yun, okay? Nakakahiya kasi yun, baka sabihin pa niyang bakla ako. No way! Ako na ang magpapaliwanag." Bulong niya sa'kin kaya napatango-tango ako.

"No problem Ax." Sabi ko sa kanya. Bigla naman akong hinila ng kung sino. Ahh, si budss pala.

"Woyy nakakatampo ka na. Close kayo nyan?" Nakapout na sabi ni budss. BWAHAHH, hindi pa rin nagbabago, ganun pa rin childish. Pinisil ko ang pisngi niya.

"Nakss naman. Wag ka na magtampo, libre kita maya." Sabi ko at kinindatan siya. Niyakap naman niya ako,

"Thank you." Sabi niya at kumawala na. "Ah, hello pala sa inyo. Nice meeting you three." Sabi niya sa tatlo at nakipag shake hands.

"Nice meeting you too pare." "Me too Harry." "Sa'kin rin." Sagot nilang tatlo.

"So familiar talaga yung mga name niyong dalawa. Ax and Carissa." Sabi ni Harry. Nakss naman,

"H-Ha? Bat naman naging familiar sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita kita nung papaalis ka na budss. Sinundo ka ng nagngangalang Carissa at sumakay kayo sa motor. At tinawag ka niyang Ax, hmm. Naguguluhan nga ako nun e." Oh my juices!

"Yun ba pare? Ganito kasi yan pare. Sa amin nagtatrabaho si Jazelein kaya pinasundo ko siya sa kaibigan kong si Carissa." Sabi ni Ax.

"At, baka nagkamali ka lang ng rinig Harry. Sabi ko kasi nun pinasundo ka na ni Ax, ganun yun." Sabi naman ni Carissa at napatango-tango naman si budss.

"HAHAH, okay okay." Natatawang pagsang-ayon niya.

*****

So ayown nga, nakauwi na ako sa bahay namin. Gaya ng sabi ni Ax ayos na ang pamilya ko. Pagkarating ko sa bahay agad akong niyakap ni mama at Raiden saka ni papa at feel na feel ko yung real na yakap niya. Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama. Hindi ko alam pero sobrang saya ko.

Days had passed, naging masaya ako. As in sobra. Naging mapayapa ang family ko at naging mas masaya kami ni buds kasi lagi kaming gumagala pag wala na siyang klase tapos nun pupunta naman kami sa tagpuan namin sa water falls, ayiee ewan ko ba di ko na rin alam ano ba tong pinaggagawa namin pft. Medyo naiilang na tuloy ako sa kanya, ewan ko ba ano tong kakaibang nararamdaman ko.

I AM NOT YOUOnde histórias criam vida. Descubra agora