EPISODE 11 (Meet Reiniel Solace)

0 0 0
                                    

••Jazelein's POV••

Matapos sabihin sa'kin ni Ax ang lahat ng gagawin ko ay naglalakad na ako pabalik sa eskwelahan. Nasa likod lang pala kami ng eskwelahang ito mga 7 meters away. Maraming damo at puno kaya hindi siya agad makikita.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad sa hallway para hanapin ang room ni Ax. Section A raw siya, nasa 2nd floor yung room niya.

Nakita ko naman yung hagdanan kaya paakyat na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko. Ano ba to? Uso talaga hawak ng braso noh, pft.

Napaharap naman ako sa kaniya na ikinanganga ko, oh my juices parang tutulo na yung laway ko.

"Andito ka lang pala Ax, why are you late?" bigla akong natauhan ng magsalita siya. Sino to? Hayss, ayaw ko namang magtanong baka mahalata ako. Hm. Dapat sumabay nalang ako.

"Ah oo, ano kasi—"

"No need to explain. Let's go habang wala pang time sa second subject natin." Hinila na niya ako paakyat ng hagdan. Ako naman tong si tanga nagpahila nalang din sa napakagwapong nilalang nato, yieee. Siya na ba? Ang sa buong buhay ko makasama?

Napansin kong tumigil na siya kakahila sa'kin kaya napatingin ako. Nasa harap na pala kami ng room. Dito na siguro yung room ni Ax.

"Ax, let's get in." Nahalata niya sigurong hindi pa ako kumikilos kaya nagsalita na siya.

Sabay kaming pumasok dalawa, at pansin ko namang wala pang teacher.

"Eyy bro, san mo siya nakita?" Tanong nung naka eyeglasses na lalaki.

"Hey Ax, you're here I'm glad." Sambit naman nung lalaking medyo may pagka red yung buhok at may dimples. Nakita ko kasi nang magsalita siya. Nginitian ko lang siya dahil ang kyutt niya. Hahaha. Oh my juices, kala ko si buds lang ang makikilala kong gwapo, ngayon meron pa pala. Uwuu.

Umupo ako sa isang bakanteng upuang nakita ko,

"Uyy Ax, dyan ka uupo?" Tanong ng kung sino kaya napalingon ako sa kanya. May buhok siyang medyo gray.

"Ah eh, ahm—"

"Why are you sitting there, ayaw mo ba akong makatabi ngayon?" Nilingon ko naman yung nakasama ko kanina at tiningnan ng nagtataka. Halaka, ano ba kasi ito. Parang math problems, hayys.

"Go back to your respective seats class," nabulagta ako at napatayo.

"San ba yung upuan ko?" Tanong ko na agad nilang tinuro, hayss buti naman. Nasa likuran ito at juices, katabi ko yung may dimples.

Umupo na agad ako rito at ramdam ko namang tumabi sa'kin yung nakasama ko kanina. So bale five yung upuan sa pinakalikuran. Para akong naging boys over flowers yung datingan ko, charr. Nasa pinaka gitna ako ng apat. Bale yung nasa may window ay yung medyo gray yung buhok, katabi niya si medyo red yung buhok na may dimples at ako naman katabi niya,  at katabi ko naman si yung kasama ko at katabi niya yung may eyeglasses. Ano kayang mga pangalan nito, ayaw man lang banggitin hmp.

Nagdidiscuss na yung teacher, gaya ng sabi ni Ax aakbo lang daw ako at magkukunwaring matutulog. Kasi gawain na daw niya ang matulog tuwing discussion. Hala pa'no to? Di ako antukin at saka masipag ako makinig. Pero bahala na, gagawin ko pa rin ang sinabi niya.

Umakbo na nga ako, pero pa'no kung pagalitan ako? Hays. Bahala na nga. Hindi ako natutulog at nakikinig lang sa pinagsasabi ng teacher habang nakaakbo. Pinapakiramdaman ko rin ang mga nasa gilid ko.

"As usual," rinig kong sabi ng katabi ko dito sa may left ko, yung nakasama ko kanina.

"Hayaan mo na bro, makinig nalang tayo sa teacher." Hindi ko na alam kung sino yun.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now