EPISODE 17 (Pinaghahanap)

0 0 0
                                    

••Ax's POV••

It's already 6:00 and I need to go back to our headquarters. But how? Anong idadahilan ko sa pamilya ni Jazelein?

We're at this small table, kumakain ng sabay. When I say sabay, kasabay talaga yung papa ni Jazelein. Tahimik at mapagmasid ang mga tingin nito. I really hate her father, walang awa at pagmamahal.

"Aalis ako ngayon," nabasag ang katahimikan ng magsalita ang papa ni Jazelein.

"Lagi naman." Sagot naman ng mama ni Jazelein habang nagsusubo ng pagkain.

"Tss. Ang drama mo. Makaalis na nga!" At padabog itong tumayo. Minsan naiisip ko, parang baliw yung papa ni Jazelein, tss. Nagagalit nalang bigla bigla.

And then he walk out.

"Ma," tawag ko sa mama ni Jazelein na agad naman akong nilingon.

"O, ano yun anak?"

"May, ano pupuntahan lang sana ako." Nakayukong sambit ko.

"Gabi na anak. Saan naman?" Tanong niya, ahm ano nga ba idadahilan ko?

"Sa. . .ah sa bahay nila Harry. Inimbitahan niya kasi ako ngayong gabi." I don't know, yun lang ang naisip kong idahilan.

"Ayieee, si ate pupunta nila kuya Harry."

"Pst, tigil ka nga Raiden. Malisyoso kang bata ka. Ang ate mo at ang kuya Harry mo ay matalik na magkababata kaya normal lang iyon na magkasama sila." Saway ng mama ni Jazelein.

"Oo nga naman Raiden. Ikaw talaga," and I pinched his cheeks. He's so cute.

"A-Aray ate. Napapadalas na panggigigil mo sa'kin." And he pouted kaya mas lalo siyang naging cute.

"Sorry. Naku-cute-an lang si ate sayo."

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa nagpaalam na ako sa mama ni Jazelein na aalis na.

Dala ko ngayon ang cellphone na binili ko para kay Jazelein. Tinawagan ko sina Carissa para sana magpasundo dahil matatagalan ako if I'll wait for the bus.

"Hey, sakay na!" 20 mins of waiting ay nakarating na rin si Evon dito sa waiting shed ng Brilyante street. Agad akong sumakay sa motor niya at pinaharurot na ito.


"Good evening King, I am Dark Angel the leader of the Tres Angheles Gang. What can we do for you King?" Sabi ko nang makapasok na kami sa kwarto ng king.

"Mabuti at nakarating kayo, ladies. Maupo kayo." Sabi ng nasa speaker. Actually, hindi pa namin nakikita si King. Tanging ang boses lang niya mula sa speaker ang lagi naming nakakaharap.

"Pinapunta ko kayo ngayon sa aking tahanan dahil may bago kayong assignment. May bago tayong kliyente at kinakailangan niya ang tulong natin. Maaasahan ko ba kayo?" And we all nod.

Sinabi niya sa amin ang bago naming assignment at malaking halaga ang nakataya dito. 10 million. Hindi pa namin alam kung sino ang bagong kliyente.

Our new assignment is. . .hanapin ang isang estudyanteng may suot ng golden star pendant.

••Jazelein's POV••

"Hello sweetheart, guess who's here?" Kusot-kusot ang mga matang bumaba ako sa hagdan dahil kagigising ko lang. Suot ko ang pantulog na damit ni Ax. Tiningnan ko ang mommy ni Ax nang magsalita ito. Sinong meron?

"P-Po?" Tanong ko at muling kinusot ang mga mata para makita ng maayos ang lalaking nasa likod nito na nakaupo sa isang couch habang umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.

"Nandito ang daddy mo. Hindi mo lang ba siya namiss?" Tumaas ang kilay ng mommy ni Ax. Nagulat ako ng bahagya pero hindi ko yun pinahalata. Nakaside-view ito at parang familiar sa akin.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now