CHAPTER 7:

728 28 0
                                    

PATANAW tanaw ako dito habang sumusubo ng pagkain sa harap ko. He is just drinking a coffee in front of me. Nanghihinayang ako dahil maaga akong nagising para ipagluto siya tapos hindi ko naman pala siya mapipilit na kumain, kaya pinagtimpla ko na lang siya ng kape. Maalaga parin naman iyon diba.

Nang sumilip akong muli sa kaniya, nakatingin pala ito sa akin kaya napayuko agad ako. Umakyat na naman ang init sa mukha ko. Adelle, maawa ka sa sarili mo, tigilan mo na ang kaiisip ng kung ano ano at baka sumabog kana lang bigla. Malalim akong napabuntong hininga.

PAGKATAPOS kumain, mabilis na akong naligo para makasabay sa kaniya sa pagpasok sa opisina.

Hindi ako nito tinanggal sa trabaho kagaya ng pananakot niya sa akin kahapon. Wala rin naman akong balak umalis sa kompanya kung sakali.

"Betty, what's my schedule for today?" Wika nito sa cellphone. Nasa byahe kami at kausap yata nito si ate Betty. Hindi nagtagal ay binaba na niya ang telepono.

"I have three meetings today. You'll stay at my office for the whole time."

"Wala akong gagawin?" Gusto kong may gawin! He gave me a quick glance.

"Yes."

"Eh?" Huminto kami sa parking lot ng kompanya. Binaling niya ang atensyon niya sa akin.

"When I say none, there's none Adelle." Wala akong nagagawang sumimangot na lang, akala niya susundin ko siya. Maggagala ako sa buong kompanya at wala siyang magagawa.

"Will Lorence be with you in your meetings again?" Agad na naman ang iritasyon nito at pagtaas ng kilay sa akin.

"Stop asking about her." I just rolled my eyes on him at agad ng lumabas ng kotse at nauna ng pumasok sa building.

Napaka sensitive talaga nito pagdating sa kabit niya. Tss.

Nagmadali ako at mabilis na lumiko sa isang pasilyo para taguan siya. Ayoko siyang makasabay sa elevator!

Ng sumilip ako ay ilang beses niyang ginala ang paningin sa lobby, umiling at dumeretso na sa elevator. Ng sumara ito ay non lang ako lumabas sa pinagtataguan.

Sumakay ako sa pangalang elevator. Hanggang 50th floor ang building,  Pinindot ko sa 30, gagala muna ako.

Ng makarating sa 30th floor, lumabas na ako sa elevator.

"Good morning po ma'am." Bati sa akin ng mga nakakasalubong ko.

"Ma'am." May lumapit sa aking babae.

"Ano pong kailangan niyo ma'am, can I help you?" Agad akong umiling.

"Ano pong department ito?"

"Ma'am HR po." Tumango ako at inilibot ang paningin. May mga empleyado ang agad yumuyuko kapag nagtatama ang mga paningin namin.

"Sige po, continue your work po mag observe lang po ako." Ngumiti siya at yumuko bago nagpaalam sa akin at bumalik sa trabaho.

Naglibot ako, humihinto sa iilang cubicle ng mga empleyado.

"Baby mo?" Tanong ko ng napahinto sa table ng isang babae. May picture ng siguro mga three years old na bata sa lamesa nito.

"O-opo ma'am." Ramdam ko ang kaba niya. Bumunot ako ng chocolate sa bag ko at inabot sa kanya.

"Ang cute naman niya. Ito oh, pakibigay sa baby mo." Nag-aalangan siya ng una ngunit kinuha rin.

"Thank you po ma'am."

"Welcome." Anas ko bago magpunta sa ibang cubicle.

"M-ma'am." Lumapit sa akin yung babaeng nakausap ko kanina.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin