CHAPTER 38:

457 13 0
                                    

MATAGAL akong nakatulala sa aking silid. Pagkatapos asikasuhin  ang mga bata ay bumalik na ako sa kwarto ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. Naiintindihan ko naman ang rason niya sa gustong mangyari, pero ang hindi ko maintindihan ay kung paano niya nakakaya yung thought na baka mawala siya sa amin. Okay naman ako eh, okay naman sa akin. Tanggap ko siya kahit ano pa ang kalagayan niya ngayon. Tatanggapin ko siya dahil mahal na mahal ko siya.

"Ma'am?" Ilang beses kumatok si Crystal sa aking silid.

"Pasok!" Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at pumasok.

"Upo ka." Nilahad ko sa kaniya ang sofa na nasa loob ng silid ko.

"Ma'am Salve." Malawak ang ngiti nito. Ngumiti ako sa kaniya pabalik.

"Akala ko po talaga sa kwento ko na lang kayo maririnig at hindi na makikita pa."
Kumunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Nako ma'am! Sobrang mangha po ako sa love story niyo ni Fabros. Madalas po niya kayong ikwento sa akin. Alam na alam ko po at kabisado na ang love story niyo hahah." Diko maiwasang magulat sa sinasabi nito.

Mula sa masayang expression ay napalitan ito ng malungkot.

"Nararamdaman ko po ang sakit na nararamdaman ni Fabros tuwing nagku-kwento tungkol sa inyo. Alam niyo po, masungit po talaga yan si Fabros nung una sa akin, pero simula po ng tinanong ko kung sino yung picture sa wallpaper ng cellphone niya, simula po nun nagkwento na siya tungkol po sa inyo at naging mabait na po basta makikinig lang po ako hahaha."

"Humahanga po ako sa inyo at isa po ako sa masasaktan kapag dipo kayo nagkatuluyan ni Fabros."

"A-akala ko gusto mo siya?" Napatanong na ako. Natawa ito.

"May asawa na po ako ma'am. Binilin lang po ni Nanay sa akin na alagaan ng mabuti si Fabros, isa pa po, siya ang tumulong sa amin, sa akin nung may sakit ako, gumaling po ako dahil sa tulong niya at nakapagtapos din po. Masayang masaya po ako na nandito na po kayo." Lumapit ito sa akin. Naupo sa kama ko at hinawakan ang kamay ko.

"Magtiwala po kayo kay Fabros ma'am."



Nasa labas kami ngayon ng operating room. Oo, pumayag na ako, nakausap na rin namin ang mga bata. Katulad ko ay ayaw din ni Aquilla, takot ito ngunit kailangan naming maging matatag. Natatakot ako at alam kong pati ang dalawang bata at ang mga taong nagmamahal kay Fabros, pero kung ito ang gusto niya ay wala kaming magagawa. Kontento ako pero alam ko na si Fabros ay hindi at sa tingin niya ay kulang ang pagmamahal niyang naibibigay sa amin dahil sa kalagayan niya.

Nakausap ko ang doctor, lahat ng kilalang nitong doctor sa ibang bansa ay lumuwas ng Pilipinas para sa operasyon. Nangako ang mga ito na magiging maayos ang lahat.

Matagal kaming naghintay sa labas ng operating room, nakatulog na sila Aquilla sa sofa, gusto ko silang pagpahingahin sa kwartong inihanda para sa amin dito sa hospital ngunit ayaw niya, gusto niyang hintayin ang ama.

Tahimik lamang akong nagdadasal. Nandito rin si Crystal at kasama kong nananalangin  sa labas ng operating room.

Pagkatapos ng halos 16 hours ay lumabas na ang mga doctor. Malakas ang kabog ng aking puso ng makita ang pagod nitong expression.

"Mrs. We did everything...."
Diko na siya pinatapos at tumakbo na sa loob ng operating room.

Gumilid ang mga doctor at nurses sa loob upang makita ko si Fabros. Nanginig ang aking buong katawan ng makita ang puno ng tubo nitong katawan. May balot ang mga mata. Tumulo nang sunod sunod ang aking mga luha.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin