CHAPTER 15:

888 35 10
                                    

I'm baking a cake, wala sila mommy and daddy, daddy has a business trip abroad, dahil magtatagal ata ng ilang araw gusto nitong isama kaming dalawa ni mommy, ngunit tumanggi ako, ayaw na sana ni mommy na sumama para daw may kasama ako dito sa bahay ngunit naiisip ko na kung hindi siya sasama sa abroad si daddy naman ang mag-iisa. Pagkatapos ko silang mapilit na sila na lang dalawa ay agad narin silang umalis.

Patapos na ang cake at kailangan na lang ilagay sa oven kaya yun ang ginawa ko. Pinahid ko ang tumulong pawis mula sa aking noo. Sigurado akong ang dungis dungis ko ngayon.

"Hello wife." Gulat akong napalingon sa hamba ng kusina. Fabros were standing tall there, hooking his cold eyes on me.

"F-fabros anong ginagawa mo dito?" Mabigat ang bawat paghakbang niyang lumapit sa akin. Kitang kita ko kung gaano kasiklab ang galit niya mula sa kaniyang mga mata. Tila mapapaso ako kung lalapit pa siya.

"Have you forgotten what I've told you before, about our annulment?" Bakas ang galit nito sa bawat pagbigkas ng mga salita.

"Sinusubukan mo talaga kung anong kaya kong gawin huh." Hinaplos nito ang pisngi ko, tinanggal doon ang mga harinang kumapit sa akin. Tinabig ko ang kamay niya dahilan kung bakit mas nagbaga ang galit niya.

"Hindi ko alam kung anong ginagawa mo dito, F-fabros ayoko na, pakawalan na natin ang isa't isa tutal ay ako lang naman ang may gusto nito simula pa lang."

"Hindi porke't ikaw ang nagsimula ikaw narin ang may katapangang tumapos."

"Fabros please." He smirks at me.

"Don't you have an idea why your father need to go abroad?" Tila nanlamig ang katawan ko.

"Soon he'll call you to deliver the news that all of your wealth is now gone." Nanlaki ang mga mata ko, is that the reason kung bakit sobrang nag-aalala si daddy kanina, why he is so tense before leaving our house.

"A-anong ginawa mo?" Hindi makapaniwalang anas ko.

"You pushed me to my limits baby, and that's what you get." 

"Fabros ano ba! Kailangan na nating maghiwalay, para rin naman sayo ang ginagawa ko." Tuluyan ng tumulo ang luha ko, bakit ba hindi niya maintindihan, bakit kailangan pa niya kaming pahirapan ng ganito.

"How come it's for me baby?" Kinulong niya sa kaniyang mga palad ang pisngi ko at pinilit akong ipatingin sa mga mata niya.

"You don't have an idea how frustrated I was after finding out that you weren't at home the moment I stepped foot in our house, and you really had the guts to send me an effin annulment paper that was signed by you?" He smirks again, pamang-uyam ang ngiting binigay niya sa kin.

"Gustong gusto kitang parusahan sa tindi ng galit ko, hindi sapat sa akin na tanggalin ang yaman mo. Gustong gusto kitang angkinin ngayon at wala akong pakialam sa opinyon mo." Muling tumulo ang luha ko na agad niyang sinapo ng kaniyang palad, ginamit niya ang kaniyang daliri para punasan ang naglandas kong luha.

"Fabros bakit ba hindi mo maintindihan. Hindi ako nababagay sa iyo." Inalis ko ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kaniya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng babae, Fabros tumabi ako sa ibang lalaking kasal na habang asawa kita. Hindi ko matanggap na galit na galit ako noon dahil may babae ka, tapos malalaman ko na ganun din pala ako." Sobrang bigat sa pakiramdam, ang sakit sakit.

"I know better than that wife." Binalik niya ang mga mata ko sa kanya. "I know better than that." Mas mariing anas niya na tila gustong ipaintindi sa akin ang isang bagay na hindi ko naman makuha.

"Sasama ka sakin." Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"S-saan?"

"In Clarko, my friend Alizandro met with an accident, half of his body is paralyzed."

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon