CHAPTER 35

598 26 8
                                    

"Ma, we're ready."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Aquilla is holding her father's hand. Pababa sila ng hagdan. We've decided to go to school today where Aquilla and Ad will enroll.

"Where is your kuya?"

"Pababa na po mama."

Pinauna ko na sila sa sasakyan at hinintay si Ad.

"Good morning po ma'am." Bati ni Crystal sa akin. Gustong tumaas ng kilay ko ng makita ang ayos nitong bihis na bihis.

"Good morning din."

"Mauna na po ako sa inyo sa labas." Wika niya. Nang tumalikod ito ay saka ko lamang hinayaan na kumunot ang noo. Is she coming with us? What for? Malalim akong nagbuntong hininga.

"Let's go tita."

Pumunta na kami sa kotche. Ng binuksan ko ang pinto sa back seat ay sabay pa kaming nagulat ni Crystal. She's seating beside Fabros, nasa gitna nila ni Aqui ang lalaki.

"Ay ma'am sorry. Nasanay po kasi akong dito maupo sa tabi ni Fabros."
Akmang lalabas pa siya ng pinigilan ko.

"No okay lang." Anas ko bago papasukin si Ad. The car is huge, kasiya silang apat sa loob.

Pumunta ako sa harapan para doon na maupo sa tabing upuan ni kuya Carlos, ang driver.

"Mama you should sit here." Nilingon ko si Aquilla at nginitian.

"I am more comfortable here anak." Sumimangot siya ngunit pinagsawalang bahala ko na lang.

Nakakahiya ang nangyari! Gusto kong sumbatan si Fabros sa ginagawa niya. Crystal is kind, pero nakakainis lang si Fabros. How dare him let Crystal be that close to him after telling me how much he wanted us to be together again.

Nakarating kami sa school, malaki ito at halatang pangmayaman.

"Wow! Dito na talaga ako mag-aaral papa?" Excited na anas ni Aqui ng makababa kaming lahat sa kotche.

"Yes baby, all the best for you and your brother."
Wika nito.

"Mama, why don't you take care of papa. Hold his hand."

"Huh?"

"We should taking care of him. Tara na po." Wala akong nagawa kung hindi ang hawakan ang kabilang kamay ni Fabros. He gripped my hand, tama lang para mas maramdaman ko siya sa paraang di ako nasasaktan. Nilingon ko ito ngunit deretso lamang ang kaniyang mukha.

Sa entrance ng school ay may naghihintay sa amin. Tila alam na ang pagdating namin.

"Good morning Mr. and Mrs. Alcozar dito po tayo." Nauna siyang naglakad.

"We already informed the president of the school about your arrival sir. Your son and daughter are already enrolled." Wika nito. Huh? Eh ngayon  pa lang kami magpapa-enroll ah.

"You already enrolled them?" Di ko natagalan at nagtanong na kay Fabros.

"Yes. I just want to check the environment of the school, gusto ko rin malaman kung gusto ba dito nila Ad at Aquilla." Sagot niya.

"I like it here papa. The school is big!" Tumango si Fabros sa sinabi ni Aqui.

"Good to hear that baby. After our talk with the president, we will go to the nearest mall so you can buy your things for school."
Sa Lunes na nga pala ang pasukan ng mga bata.

Sumakay kaming elevator patungo sa opisina ng president.

"Please come in Mr. and Mrs. Alcozar."
Gusto kong itama ang pag address sa amin ng aming kasamang staff ng school pero mukha namang wala lang iyon kaya hinayaan ko na.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now