CHAPTER 24:

709 36 18
                                    

Pagkalipas ng tatlong araw sa Singapore ay nag desisyon akong umuwi na. Wala akong pinagsabihan ng nangyari sa pagitan namin ni Fabros, hindi ko pa nasasabi sa parents ko, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila.

Sumama sa amin si ate Betty, sabi naman niya ay may plano na rin talaga siyang mag resign sa trabaho para matutukan ang pamilya, hindi ko alam kung sinabi niya lamang iyon upang hindi ako mag-alala o iyon talaga ang totoo.

Sa airport ay humiwalay na sa amin si ate, hindi narin ako nagsabi sa mga tao sa bahay namin ni Fabros, balak kong sa bahay ng parents umuwi, ayoko ng bumalik pa sa bahay na siguradong sakit lang ang magiging dulot sa akin.

Akala ko tapos na ang sakit at paghihirap ngunit hindi pa pala sa panloloko ni Fabros matatapos ang lahat.

"Walang hiya ka!"

Hindi ako agad nakakilos, ininda ang sakit ng pisngi na sinampal ng babae sa aking harap.

"Walang hiya ka! Inagaw mo ang buhay ko! Walang hiya ka!"

Hinatak nito ang buhok ko, hindi ko nagawang lumaban, pinupuno ang aking isipan ng sobrang daming katanungan.

"Adelle tama na anak!" Nailayo sa akin ang babaeng nagwawala. Nagtaas ako ng paningin, nakita ko si mommy na yakap yakap ang babae.

Nagkatinginan kaming dalawa. Puno ng poot at galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin na nakapagpahina sa akin ng husto.

"Mommy." Bulong ko, lito sa lahat ng nangyayari.

"H-huwag mo akong tawaging mommy! Hindi ikaw ang anak ko!" Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha na akala ko ay naubos na para kay Fabros.

"H-hindi ko po kayo maintindihan."

"Hindi mo naiintindihan? Impostora ka! H-habang hirap na hirap ako, ikaw nagpakasasa sa buhay na hindi naman sayo!" Hestiracal na wika ng babae.

"Huwag ka ng magkunwari na parang wala kang alam dahil bisto ka na! Hindi lang pamilya ko ang inagaw mo pati ang asawa ko!"

Tila ako batang musmos na walang naiintindihan sa paligid.

"Hindi ko alam na kumukopkop na pala kami ng hindi namin kilala! Manggagamit kang babae ka!"

Mas nadurog pa ang pira-piraso kong puso ng marinig ang mga salitang iyon mula sa kinilalang ina.

Humakbang ako palapit dito, ngunit napatigil ako ng dumapo ang palad nito sa aking pisngi.

"Huwag mo kaming lalapitan! Napaka walang hiya mong babae! H-hindi ko alam kong paano mo naatim na pagsinungalingan kami ng ganito! Manloloko ka! Manggagamit!"

"H-hindi ko po kayo naiintindihan."

I looked at the woman beside her, ganon na lamang ang gulat ko ng makita ang sarili sa kaniya. Magkamukhang magkamukha kaming dalawa, hindi ko iyon napansin nung una.

"Mommy.."

"Huwag mo akong tawaging mommy! Hindi kita anak!"

Halos nayanig ang aking pagkatao. Sumakit ng sobra ang ulo, gulong gulo ako.

"Manggagamit ka!"

"Bakit?!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw.

"B-bakit parang kasalanan ko! Bakit?!"
Tuluyan na akong napaupo sa sahig.

"K-kayo! Kayo ang nagmulat sa akin na kayo ang mga magulang ko! W-wala akong naaalala! Kayo ang nagkulang kaya bakit ako! Bakit ako, k-kayo ang nagpapasok sa akin sa buhay niyo, kaya bakit niyo ako sinasaktan ng ganito!"

Sunod sunod ang pagtulo ng aking luha. Ang sakit sakit, ang hirap hirap.

"Pinulot niyo ako sa kung saan, minulat na kayo ang pamilya at kasal sa isang lalaki, H-hindi ko kaya natatandaan, w-wala akong alam."

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now