CHAPTER 26:

824 38 13
                                    

HINDI na kami lumabas mula ng pumasok kami sa bahay. Pinuntahan na ako ni Esme ngunit nag dahilan ako na masakit ang ulo kaya hindi makabangon, nakokonsensya ako dahil hindi ko siya natulungan asikasuhin ang karinderya namin ngunit hindi ko lamang talaga kayang lumabas ng bahay lalo na at hindi ako sigurado kung nandyan pa ba siya sa karinderya o nakaalis na. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagpapasalamat ko ang pagkakasunog ng mukha, bukod sa burado na ang itsura na hindi akin ay hindi na rin ako nito makikilala.

"Mama sorry po."
Hinaplos ko ang mukha ng anak, tama nga sila, habang tinitingnan ko ito ay mas lalong nadedepina ang pagiging magkamukha namin, maliban sa mga mata ay wala na itong nakuha sa ama, kahit ang hugis ng mukha niya ay sa akin galing, kulay ng balat at buhok.

"Ayos na iyon anak, basta sa susunod ay huwag ka ng lalayo, kung may gusto kang puntahan ay magpaalam ka sa akin at ng masamahan kita."
I kissed her on her forehead. Napalayo ako dito ng makita ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"S-sorry po mama."

"Aquila anak, bakit ka umiiyak? Hindi galit si mama." Parang dinurog ang puso ko ng marinig ang mahinhin nitong pag-hikbi kasabay ng pagdaloy ng mga luha.

"Sorry po kasi wala na nga po akong naitutulong sa inyo tapos nagiging pabigat pa po ako." Maging ako ay naluha narin. Hindi kayang makita ang hilam nitong mga mata sa luha.

"Anak, ano bang sinasabi mo. Hindi yan totoo."

"B-bakit kasi naging bulag pa ako."

"A-aquila."

"B-bakit kasi ganito pa ako mama."

"Anak."

"B-bakit kaya mama, p-pwede naman na katulad ako nila ate Erika, pero bakit hindi ganon?" Kahit kailanman hindi ko ito narinig nagreklamo sa kapansanan niya, hindi ko alam na ganito pala kasakit, para akong pinapatay sa sakit ng mga salita nito, ramdam ko ang paghihimutok niya sa kanyang kalagayan.

"Sorry anak, sorry." Mahigpit ko siyang niyakap.

"Wala ka pong kasalanan mama. Ako po ang dapat mag sorry kasi nagiging pabigat ako sa inyo ni kuya, lagi siyang napapaaway dahil sa akin, tapos lagi pa kitang pinag-aalala." Mas humigpit pa ang yapak ko dito.

"Kahit kailanman hindi ka pabigat anak, ikaw at ang kuya mo ang buhay ko. Kahit mawala na ang lahat sa akin ay huwag lamang kayo." Lumayo ako sa kanya at pinunasan ang basa nitong pisngi.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo ng kuya." Hinagkan ko siyang muli sa noo.

Hindi ko alam kung kailan ngunit sisiguraduhin kong pag-iipunan ko pagpapagamot nito.

PAGKATAPOS ng pag-iyak nito ay nakatulog siya agad, siguradong pagod na pagod ito sa mga ginawa maghapon. Nakaluto na ako ng dumating si Adriel.

"Bakit Adriel?" Tanong ko sa kanya ng mahuli ang iilang beses na pagbabalik niya ng tingin sa akin.

Umiling siya bilang sagot.

"May assignment ka?"

"Wala tita, ginawa ko na sa school." Hindi ko napigilang mapangiti sa sagot niya, talagang napakasipag nitong mag-aral.

"Ad." I reach for his hand that is placed on top of the table.

I forced a smile.

"H-hindi ka ba nagsisisi na sumama sa akin?" Kinuha ko siya dati sa pag-aakalang mabibigyan ko siya ng magandang buhay at hindi ganito.

Umiling siya.

"Being with you and Aquila is one of the greatest things that has happened to me." Tumayo siya at niyakap ako.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now