CHAPTER 8:

756 22 0
                                    

TUMINGIN ako sa wristwatch na suot, 10:54 na.

"Miss ayaw po tayong papasukin ng guard, kailangan niyo daw pong tumawag sa bahay niyo sa loob para ma-verify daw po ang residency niyo."

"Sige po kuya, bababa na po ako." Inabot ko dito ang bayad at lumabas na ako ng kotse.

Lumapit ako sa guard.

"M-ma'am Adelle ikaw po pala yan, sorry po hindi ko po alam, hindi po kasi nasabi ng driver ng taxi." Tumango ako at ngumiti sa guard.

"Okay lang po, pwede na po ba akong pumasok?" Sabay turo ko sa loob ng village.

"O-opo ma'am,  ipapahatid ko na po kayo sa kotse." Anas niya, natanaw ko ang sinasabi nito, mabilis akong umiling.

"Okay lang ako, gusto kong maglakad lakad muna." Napakamot siya sa noo, ngunit ngumiti na lang at wala ng nagawa.

Nagsimula na akong naglakad. Nasabi ni ate Anna na si Fabros ang may ari ng village na ito, hindi talaga maitatanggi ang yaman niya.

Hindi pa lang ako nakakalayo ng may sumalubong na sa aking kotse. Huminto ito sa tapat ko.

Mabilis na lumabas ang driver.

"Where have you been?" Nakita ko agad ang naggagalaiti niyang galit. Hindi ko siya pinansin at umikot lang sa kotse niya para sumakay sa backseat. Ayoko siyang makatabi.

Mabilis nadin siyang pumasok sa loob, I saw him looking at me through the view mirror, agad akong nag-iwas.

He heaved a sigh bago pinaardar ang kotse. Mabilis din akong umibis ng makarating kami sa bahay.

"Adelle!" Tawag niya ngunit hindi ako huminto o lumingon, hanggang sa nahawakan niya ang braso ko ng naabot namin ang sala.

"Where have you been?" Galit niyang tanong, pumiglas ako sa hawak niya.

"Ano bang pakialam mo." Mas lalong tumindi ang galit sa mga mata niya ng marinig ang sagot ko sa kaniya.

"Why do I care? I'm your husband. " Galit ko siyang tiningnan.

"At ngayon sinasabi mong asawa kita matapos ng ginawa mo?" Kumunot ang noo niya.

"Stop being petty here."

"Tigilan mo rin ang pagiging pakialamero sa buhay ko!"

"You know what, sige, gusto mo sa kabit mo? Sige dun ka na" After what happened earlier, narealize ko na hindi ko dapat ibaba ang sarili ko para sa kaniya. Bakit ako maghahabol sa isang ito eh hindi ko naman siya naaalala.

"Magsama kayong dalawa! Gusto mo annulment? Sige ibibigay ko sayo!"

"What the hell are you saying?" He growled like a wolf who wanted to devour his prey.

"Kung ano narinig mo yun nayon!"

"Stop being dramatic will you? I don't have a mistress"

"Ano ako b*b* para maniwala sayo? Tigilan mo na ako, kakausapin ko ang parents ko, I will file an annulment." Tumalikod na ako sa kanya. Ngunit hindi pa lang tuluyang nakakalayo, hinablot nanaman nito ang braso ko. Isinandal niya ako sa railings ng hagdan.

He stared into my eyes coldly.

"Who are you to decide about our marriage?" He smirks coky on me.

"You don't have a say about our marriage Adelle, you don't enter on this and get out when you please." Galit niyang anas.

"At sino ka…."

"Ako ang masusunod." Hindi ko inaakala na marunong pala ito magtagalog. Ngunit isinantabi ko muna yun. Sinuklian ko ang galit niyang itsura.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now