Chapter 40: END

825 20 6
                                    

Tumaas kami sa kwarto ko. Gusto nilang doon matulog, pero si Fabros ang may gustong-gusto.

Nakaupo kaming apat sa kama. Ako, si Ad, si Aquilla, si Fabros. Ang pwesto namin sa kama. Nakasindi ang TV, nanonood kami ng paboritong children's movie ni Aquilla.

Habang nanonood. Ipinakita sa movie ang kasal ng dalawang main cartoon character. Bumaling si Fabros sa akin, napatingin din ako dito. Inirapan ko siya.

"Papa, when will you marry mama?"
Napabaling kami kay Aquilla. Tumingin ito sa akin pagkatapos ay sa ama.

"Kahit kailan gusto ng mama mo baby."
Bumaling sa akin si Aquilla.

"Kailan mo gusto mama?"
Hindi ko alam ang isasagot ko. Binuhat siya ni Fabros at idinala sa kaniyang kandungan.

"Can you wait baby? I still need to prove my love for your mother, for you and kuya Ad before she can accept me again."
Marahang tumango si Aqui.

"How Papa?"

"I will court her, ngayon hanggang tanggapin niya ako, hanggang sa pagtanda. I will forever prove my love for you three."

"Court? Giving gifts and taking out to dates?"

"Yes baby."

"Will you give me gifts too? Chocolates? Flowers? Will you date me too?"
Tumawa si Fabros sa excitement ng anak. Nangingiti ako habang pinapanood sila.

"Of course baby."

Yumakap si Aqui dito.

"Can I marry you too? Can you marry me and mama? Sabi nila kapag kasal na di na pwede maghiwalay."
Tila nag-isip pa si Aquilla ng pwedeng mangyari. Bagaman matured ito sa ibang aspeto ngunit batang bata ang puso pagdating sa aming kaniyang kapamilya.

"I will marry your mama baby, you'll marry Adriel when you grow up." Bumaling si Aquilla sa kuya niyang tahimik. Bumaling si Ad kay Fabros.

"Fabros." Bawal ko dito. Tumingin si Fabros sa akin.

"That's a promise baby, this boy wants you for himself before, I promised him that if he gives you to me, he can have our baby."

"Fabros! Wag mo nga pangunahan ang mga bata. Sanay na sanay ka sa ganiyan, nagmana ka ata sa tatay mo eh, uso ang arrange marriage."

"You are for me baby. You are arranged to me. Nasa tiyan ka palang ako na ang para sayo. And I'm just kidding okay, as if I will let any man marry our daughter. She can't have a boyfriend until she's not 40!" Napabuntong hininga na lang ako.

"I want to marry kuya too! Hindi kami maghihiwalay." Mas lalo akong napabuntong hininga.

"I will marry you too Aqui." Sagot naman ni Ad.

"You can't." Banta ni Fabros dito. Seryoso lang siyang tiningnan ni Ad.

"As if you can't stop me."

"What?" Kahit talaga noon parang aso at pusa na itong dalawang lalaking ito.

"Matulog na nga tayo. Tama na yang marry, marry na yan."

Pinatay ko na ang TV. Inayos ang higa ng mga bata.

"I love you." Fabros mouthed.

"I love you too." I answered. Ngumiti ito.

"I know baby." Umirap ako. Yabang!



"Flowers for my wife and for my princess."

"Thank you daddy!"
Yumakap agad si Aquilla pagkatapos kunin ang malaking boquet ng pink roses sa ama. Natatawang inabot sa akin ni Fabros ang maliit na boquet, pang batang size. Nailing na lang din ako. Okay baby Aqui.

Walang araw na hindi nagdala si Fabros ng bulaklak sa aming bahay, chocolates na napupunta sa anak, at madalas din kaming lumabas na apat na magkakasama.

"Anak." Lumapit sa akin si mommy. Naupo ito sa kama ko. Nasa baba ang mga bata kasama si Fabros at lolo nila.

"Salamat hah, salamat sa lahat, sa mabuti mong puso at sa pamilyang pinaranas mo sa amin, sa mga anak mo." Hinawakan nito ang aking mga kamay.

"Napakabuti mo, until now, I still can't believe how can I deserve someone like you, a daughter like you. Hindi ako mabuting ina, naging pabaya ako, kahit sa pagpapalaki sa bunso mong kapatid, kay Adelle. Maling-mali." Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ito, sila ang nagpakulong matapos mapatunayan ang pagtangka niya sa buhay ko.

"Mommy." Hinaplos niya ang buhok ko.

"Mahal na mahal ko kayo. Kayong dalawa."
Ngumiti ako. Alam ko po.

"Napatawad ko na po ang lahat lahat mommy. Lahat ng mga taong gumawa sa amin ng masama. Natuto po ako dahil kung galit ang ititira ko sa aking puso, baka wala akong pagmamahal na maibigay sa mga bata."

"Masaya ako, masayang masaya anak. Salamat."

"Salamat din po mommy. Wala po kayong ginawang masama at napakabuti niyo pong magulang. Hindi po kayo nagkamali sa pagpapalaki kay Adelle, nakakalungkot lamang na iyon ang buhay na pinili niya."

"Anak, alam kong maraming agam-agam sa puso mo. Gusto kong maging masaya ka. Nababasa ko sayong mga mata ang pag-aalinlangan ngunit kailangan mo iyong isantabi para mas maging maligaya kayong pamilya. Mahal na mahal ka ni Fabros anak, saksi ako sa pagdudusa niya ng mawala ka. Galit na galit siya sa amin, sa lahat, ngunit pinilit niyang magpatawad sa paraang alam niya."

"Galit na galit ako. Gustong gusto kong pahirapan ang pamilya niyo. Gustong gusto ko kayong ubusin, walang itira pero hindi ganon ang gusto ng asawa ko, hindi niya iyon magugustuhan. Ipakulong niyo ang anak niyo at tapos na ang koneksiyon ng ating pamilya."

"Yan ang mga katagang sinabi niya sa amin ng mawala ka. Mahal na mahal ka niya na kahit ang pagpapatawad na hindi niya alam kung paano ay natutunan niya. Dahil sayo, para sayo anak."

Pinisil niya ang aking kamay.

"Anak, tama na ang pangungulila niyo sa isa't-isa. Okay na ang lahat, wala ka ng dapat ipangamba. Mapapanatag ng lubos ang loob ko kung maihahatid ka naman sa altar, isama niyo ang Ama sa pangako niyong pang habang buhay."





Inihatid ko siya sa parking lot ng aming bahay.

"Kailan mo balak magpakasal?" Tanong ko dito ng nasa harapan na kami ng sasakyan yan.

"W-wife?"

"Nagtatanong ako."

"K-kung kailan mo gusto baby. Ikaw ang masusunod." Tumango ako.

"Pwede kaya next week?"

"N-next week?" Nauutal na tanong niya. Sinimangutan ko siya.

"Hindi? Akala ko ako ang masusunod?"

"B-baby..." Nakita ko ang pagtulo ng luha niya bago ako higitin sa isang mahigpit na yakap.

"Wife..."

"A-ano kaya ba?" Naluluha na rin ako. Masakit pala sa dibdib kapag sobrang saya ng puso.

"Kahit bukas baby. Kahit bukas."
Natawa ako sa gitna ng pagluha.

"I love you so much. Thank you wife. Mahal na mahal kita."

Ngumiti ako.

"I love you too hubby."

"I missed you so much. I miss you calling me that. I love you. Di na kita papakawalan. You're completely mine now. Kayo ng mga bata."

Note: Planning to add special chapters. Soon after exam week.❤

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now