CHAPTER 17:

794 32 10
                                    

UMAGA, nagising ako na walang nabungarang Fabros sa aking tabi, hindi ko alam kung bumalik pa ba siya sa kwarto pagkatapos niyang umalis, nakatulog na kasi ako at hindi ko na nga siya nakausap pa.

Bumangon na ako at pumasok sa banyo, I had a quick shower, nagpalit ako ng lose shirt kadalasang sinusuot ko tuwing nasa bahay kami sa Manila, at panjama, dahil mapuno sa paligid ng mansion nila Zandro malamig ang simoy ng hangin, kaya kahit medyo tirik na ang araw hindi gaanong umiinit.

Lumabas ako ng kwarto saktong palabas si Mabelle galing sa silid kung saan siya natutulog. I smiled at her na agad naman niyang ginantihan.

"Sorry Mabelle kung hindi kami naka-attend ni Fabros sa usapan natin last night" Dahil nag collapse ako, hindi kami nakasamang manood ng pageant ni Fabros. She gave me a warm smile.

"Okay lang yun, okay kana ba? Naitawag din kagabi ni Mr. Alcozar ang nangyari sayo."

"Okay naman na ako." Tumango siya.

"Sabay na tayong bumaba? Nasa garden si senyorito Zandro kasama ng asawa mo." Pinakita niya ang dala dalang cellphone. "Naiwan ko kasi kaya umakyat ako dito" Wika niya.

Sabay na kaming naglakad pababa sa grand stairs, I feel nervous, hindi ko alam kung anong mararamdaman at sasabihin kay Fabros kapag nagka lapit at nagkaharap na kaming dalawa. Sana hindi na ito galit.

Paglabas namin ng mansyon, iginaya ako ni Mabelle sa tagiliran, dahil nandoon daw ang garden kung nasaan sila Fabros.

Bago pa man kami makarating sa destinasyon, rinig na rinig na ang malalakas na tawanan mula sa garden, ngunit ang mas nangingibabaw ay ang hagikgikan ng mga babae. My forehead frowns.

"May mga bisita nga pala, yung top six na nanalo sa pageant kagabi may photoshoot sa garden, ini offer ni senyorito na dito na ganapin kaysa gumastos pa sa pag rent ng venue." I nodded my head as a response.

The girls were wearing their bikinis, nasa iisang table silang mahaba lahat, Zandro ang Fabros were seating with them. May mga ibang tao rin, nag seset-up kung saan ang pwesto ng photoshoot. Overall parang nasa 15 ang bisita.

My forehead frowned more when I saw how the girl beside Fabros touched his shoulder, hindi basta hawak! May pahagod! I heaved a sigh ng iatras ni Fabros ang katawan niya sa babae, napahinto ako ilang saglit sa paglalakad ng makita kung saan panibagong dumapo ang  kamay nung babae. She's now touching his thigh! Before even Fabros able to moved away from the girl's touch, mabilis na akong naglakad palapit sa kanila.

"I think you're touching something you shouldn't." Mariing bigkas ko sa bawat salita. Fabros looked at me, the girl removed her hand from him, good girl!

He's just staring blankly at me, dahil lang ba galit siya sa akin, kaya nasa tabi na siya ng ibang babae ngayon. Sinuklian ko siya ng masamang tingin.

"Ahmm sorry but who are you?" Nalipat sa babaeng katabi nito ang atensyon ko. Gusto kong manliit sa tanong niya, hindi ba sinabi ni Fabros dito na may asawa na siya? Gusto kong magalit at batuhin sila ng mga masasamang salita but I won't give them the satisfaction! Never.

I smiled widely at her.

"Oh sorry!" I said with enthusiasm. "Namalik-mata lang pala ako, I thought his my husband." Binalik ko ang atensyon kay Fabros habang nakangiti pa rin, I saw how his blank emotion turns to anger. Okay he doesn't have a wife, sino ba naman ako para sirain ang moment nila ng babaeng ito, go then Fabros, hindi din kita asawa ngayon.  Muli akong bumaling sa babae. "Sorry miss, ahm we are not related to each other, please continue what you're doing before I came." The girl smiled at me, I have the urge na isubsob siya sa lupa para mabura ang ngiti niya pero nagpigil ako.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now