CHAPTER 23:

658 31 29
                                    

"Ad, are you ready?" 

Sinilip ko siya sa loob ng kaniyang silid. He's tying his shoe lace. 

"Need help?"

"No tita, kaya ko na po."

Napangiti ako sa sarili habang pinagmamasdan siyang seryosong seryoso sa ginagawa. 

Pumasok ako ng tuluyan sa kwarto niya at kinapitan ang nakagayak na maleta. 

Nagkaroon ng mental health break ang school niya ng buong isang Linggo, it's been one week since Fabros go to abroad, na extend ang stay niya ng isa pang Linggo dahil sa mga inaasikaso. Lately nahihirapan narin akong kontakin siya dahil sa punong schedule nito, kaya nakapag desisyon akong surpresahin siya. 

Naalala ko ang huli naming pag-uusap two days ago. 

"Hubby?" Matagal siyang nawala sa monitor, tumayo kasi ito ng may tumawag sa pinag istayin niyang bahay. May property siya sa Singapore kaya instead na sa hotel mamalagi ay doon. 

Halos 15 minutes na pero wala parin siya. 

"Hubby?" 

Sa pang-apat na tawag ko sa pangalan niya ay nagpakita na ito. Malawak akong ngumiti, pilit iyon katulad ng mga ilang beses kong ngiting binibigay sa kaniya sa iilan naming tawagan mula kahapon. For some reason, I'm feeling that he's becoming distant to me, an usually cold. 

"I need to hang up the call, I have to do something urgent." Nawala ang pilit kong ngiti sa aking labi. Katulad ng mga nakaraan naming tawag, hindi nanaman nagtagal ng limang minuto kaming magkausap.

"Malaki ba ang problema sa kompanya mo diyan? Hubby baka hindi ka na nakakakain at nakakatulog ng maayos."

"I don't have time to explain to you." Iritadong wika niya. Lumunok ako upang mawala ang bara sa lalamunan. 

"S-sige, ibaba mo na, ingat ka diyan, I love.." Bago pa man ako matapos sa sasabihin ay naibaba na niya ang tawag. Mariin akong napapikit upang pigilan ang luha. Ng mag tatlong araw siya sa Singapore ay ayos pa kami ngunit ng ika-apat ay tila nagbago na ang pakikitungo nito sa akin, inintindi ko na lamang dahil baka stress lang sa trabaho at ayaw ko namang dumagdag sa problema niya. Sa tuwing tumatawag ako siguro sa limang beses ay isa lamang ang masasagot niya madalas ay pagalit pa kaya naman minessage ko siya na siya na lamang ang tumawag sa akin kung free siya pero simula non ay hindi na ito tumawag o nag message sa akin. Natatakot ako at maraming pangamba ngunit ayaw ko naman siyang husgahan, alam ko na matagal na kaming nakaalis doon, alam kong hindi na niya ako magagawang lokohin pa.

"Tita?" Nagising ako mula sa pagbabalik-tanaw ng tawagin ako ni Adriel. 

"Hmm?" 

"Okay ka lang po?" Isang pilit nanamang ngiti. 

"Yap, are you done? Tara na?"

Tumango siya kaya kinuha ko na ang maleta nito, naibaba na ang sa akin kanina. 

Binilin ko na huwag ipapaalam kay Fabros ang plano kong pagsunod namin ni Ad sa Singapore sa mga kasama namin sa bahay, sumang-ayon naman sila sa balak kong surpresa.

"Okay ka lang ba talaga ma'am Adelle?" Tanong ni ate Anna. 

"Okay lang ate, first time ko ito mula ng maaksidente pero nakipag coordinate na ako sa hotel na pagtutuluyan namin ni Ad kapag nakalapag na doon." 

Ngumiti siya at isanakay na sa kotse ang mga gamit namin katulong si kuya Kaloy. 

Ng matapos ay tumulak na agad kami sa airport. Sinubukan kong tawagan si mommy para makapag-paalam tungkol sa gagawin ko pero hindi naman siya sumasagot kaya si daddy na lang, nasa business trip ulit itong mag-isa. 

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now