CHAPTER 10:

830 31 5
                                    

"BAKIT ikaw ang nagpunta sakin? Narinig ko kanina si ate Betty ang inutusan mo."

Naglalakad na kami ngayon para pumunta sa naiwan niyang meeting.

"Stop asking. Bilisan mo."

Sungit!

"Let's continue."

Utas niya ng makapasok kami. I wonder kung sa kaniya din ba itong building na pinuntahan namin.

Naglahad ng upuan si ate Betty ng bangko para sa akin. Ngumiti ako sa ilang nakatingin habang naupo ako sa tabi ni ate. Nasa isang corner lang kami at tahimik na nakinig.

"The event will be at Heaven's Angels Orphanage."

"The fund that will be raised will be given to the orphanage."

"The fund will come from the auction that will also be handled at the event."

Hindi ko maiwasang matuwa sa mga naririnig dito sa nangyayaring meeting. Sa ikalawa ay may gaganaping event kung saan mag re-raised ng fund para sa Orphanage na tutulungan nila. Nakakatuwa lang malaman na tumutulong ang kompanya ni Fabros sa mga institusyon na katulad nito. 

Ilang saglit lang ay natapos narin ang meeting at lumabas na sa conference room ang mga ka meeting ni Fabros, nagpaalam narin si ate Betty dahil aayusin pa daw niya ang minutes na ni-record.

Nang mawala na ang lahat sa silid, pinausog ko ang inuupuan palapit kay Fabros. De-gulong naman ito kaya madali lamang at hindi maingay.

Sumandal siya sa upuan at pinikit ang mga mata, hindi tuloy ako agad nakakibo dahil sa pagkakatitig sa napakagandang imahe nito, sobrang gwapo talaga ng kumag.

"What do you need?" Anas niya kahit nakapikit. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita.

"Pwede ba akong sumama sa event?" Marahang anas ko tinitimbang ang magiging sagot at reaksiyon niya.

"Of course you will." Umayos siya ng upo at minulat na ang mga mata. Agad itong bumaling sa akin kaya muling nagtama ang mga paningin namin. "You'll be my date to that event." Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Talaga?"

Sumimangot ito. "No." Matigas niyang anas, napaismid agad ako.

"Wala ng bawian!." I smiled sweetly at him, he just hist.

Muli siyang sumandal sa swivel chair at muling pumikit. He pinched the bridge of his nose.

"Okay ka lang?" Para kasing muka itong pagod.

"My head aches." Anas niya. Sinalat ko ang noo niya.

"You're hot!" Medyo gulat na anas ko, hindi makapaniwalang tinatablan pala ito ng lagnat.

"I know, wife, you don't have to shout it on my face, no need to broadcast."

" Angas mo naman. Feeler ka. Ang ibig kong sabihin may lagnat ka." Hindi na ito kumibo. Siguro talagang masakit ang ulo.

"Umuwi na kaya tayo para makapag pahinga ka?" Matagal bago siya sumagot, akala ko wala na siyang balak kumibo pa dahil nakatulog na.

"I can't, I still have work to do." Diko maiwasang mapairap sa sinabi nito.

"Hindi ka rin naman makakapag trabaho sa lagay mo ngayon. Sige na tara na." Tumayo ako at hinawakan ang braso niya para hatakin ngunit ganun na lamang ang pagkabigla ko ng hatakin din nito ang kamay ko. Dahil sa gulat ay napapikit na lang ako hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ko sa hita niya.

"F-fabros." Di makapaniwala na anas ko, his eyes are still closed.

"I thought you wanted a secret romance in the company with me?" Namula ang mukha ko, mabuti na lang at nakapikit pa rin ito hanggang ngayon.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now