CHAPTER 31:

606 31 7
                                    

Dahan dahang binuksan ni Fabros ang silid kung nasaan ang anak.

"Fabros!" Puno ng excitement na wika ni Aquilla ng maramdaman ang ama.

"How's my baby?" Tanong ni Fabros bago marahang haplusin ang buhok nito.

"Okay na ako Fabros. Buong akala ko iniwan mo na talaga ako." Naupo si Fabros sa bed upang mas mapalapit sa anak.

"Hindi ko gagawin yun, hindi na." Malawak na ngiti ang binigay ni Aquilla sa ama.

"Magpahinga ka pa." Fabros reached for her forehead at hinagkan ito. Tinulungan niyang mahiga ang bata at binalot ng kumot ang katawan.

Habang natutulog si Aquilla ay nakatitig lamang si Fabros sa mukha ng bata tila kinakabisado ang bawat detalye ng maamo nitong mukha. Kamukhang kamukha niya ang ina, tanging ang mga mata lamang talaga ang nakuha nito kay Fabros.

Bumukas ang pinto. Tuloy tuloy na pumasok si Salve sa silid at pumunta sa kabilang bahagi ng bed kung nasaan natutulog ang anak.

"She fell asleep." Maikling anas ni Fabros. Walang reaksiyon si Salve na tila walang narinig mula sa lalaking kaharap. Desidido siya na ituring na hangin si Fabros, kung totoosin ay ang anak lamang naman nila ang nagnanais na makasama ito.

Buntong hininga lamang ang naging reaksiyon ni Fabros nang mapagtantong wala siyang mahihitang sagot mula kay Salve.

"Her doctor will check her up again pagkagising niya. I have a house in the States, would you like to stay there habang nagpapagamot kay Aquilla?"

"Do I have a choice?" Nagsalubong ang kanilang mga mata.

"You have Salve, just tell me what you want."

"Kung sabihin kung gusto kong..."

"Not that Salve. I've made up my mind, hindi ko kayo iiwan." Matigas na anas ni Fabros habang matalim ang mga mata. Punong puno ng kasiguraduhan.

"Pagkatapos magpagaling ni Aquilla hindi na natin kailangan pang makita ang isa't isa. Nakaya namin ng anim na taong wala ka, ngayon ka lang namin kailangan dahil sa kalagayan  ng anak ko."

"Nakaya mo lang Salve. Ikaw lang." Galit ang namutawi kay Salve.

"Anong ibig mong sabihin?" Gigil na wika nito kay Fabros.

Umiwas ng tingin si Fabros. Sa galit ay mabilis lumapit si Salve dito at dinuro ang dibdib ng lalaking kaharap.

"Ang ibig mo bang sabihin ay all this time, naging pabaya ako sa anak ko? Na ako lang ang may kaya na wala ka at siya ay hindi? Kung hindi ka dumating hindi ka naman niya hahanap-hanapin."
Pinigilan ni Fabros ang kamay ni Salve at hinatak ito na naging dahilan ng pagsalpok ng katawan ni Salve dito. Agad pumiglas si Salve ngunit wala siyang  nagawa sa lakas ng kaharap.

"That's not what I mean. Ang ibig kong sabihin, ako Salve. Hindi ko kaya Salve, hindi ko kinaya ang anim na taon na wala ka, wala kayo."

"Sinungaling, wag na tayo maglokohan Fabros." Inilapit ni Salve ang mukha niya kay Fabros.

"Hindi ganitong itsura ang gusto mo." Mapait na wika ni Salve. The half of her face is burned.

"Bakit dimo ako subukan ng malaman natin  parehas kung ano talaga ang gusto ko." Hamon ni Fabros sa kaniya.

"Bitawan mo ako." Mariin na wika ni Salve. Unti-unti siyang pinakawalan ni Fabros.

"Lumabas ka na, ako na ang bahala kay Aquilla." Tinalikuran na ni Salve si Fabros.

"I'll stay here." Matigas naman na wika ng isa.

"Hindi na kailangan."

"Kailangan Salve, just let me can you? Dinaman ikaw ang babantayan ko dito." Marahas na lumingon si Salve dito.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now