CHAPTER 18:

805 36 11
                                    

"Aalis na kayo?" Nakasalubong namin si Zandro na tulak tulak ni Mabelle, palabas kami ni Fabros ng mansion habang papasok naman ang dalawa.

"Yah" Maikling sagot ni Fabros dito.

"Lolo has a yacht o meron na kayong gagamitin?"

"Meron na, nasabi ko na sa kaibigan ni Daddy."

"Kay tito Manuel?" Tanong muli ni Zandro na sinagot lang ng tango ni Fabros.

"Alis na kami." Zandro nodded his head. I waved at Mabelle, she did the same.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Fabros, agad naman akong pumasok sa loob ng kotse. Ng maisara ang pintuan na pinasukan ko ay umikot narin siya papunta sa driver seat.

"Your seatbelt wife." Agad akong tumango at inayos ang seatbelt ko.

"Excited na ako hehehe." He gave me a glance. He pinch my right cheek kaya agad akong lumayo sa kanya dahil sa gulat thou hindi naman masakit ang ginawa nito.

"You're cute." Uminit na naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Mahina siyang natawa ng makita ang ginawa ko.

Pinaandar na nito ang sasakyan at tumulak na kami.

"Will you be okay in the sea?" I look at him, seryoso lang siyang nakatingin sa daan.

"Oo naman, bakit naman hindi?" He gave me a glance.

"The plane you were in the accident crashed into the ocean."

"H-hindi ko alam, pero magiging okay lang ako, gusto ko nga sana mag scuba diving...."

"Don't try your luck on me." Agad humaba ang nguso ko. He gave me another glance, I saw how his lips formed into a smile.

"Hmmp! Hindi naman talaga, sinasabi ko lang."

"Tsk. Don't worry we will do everything you want kapag okay ka na."

Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumapit sa kanya, I kissed him on the cheek, hindi naman siya mukhang nagulat sa ginawa ko, medyo inilapit pa nga niya ang mukha kanina para madali ko siyang maaabot.

"Thank you hubby." He reached for my hand. Hawak hawak niya ito ng ibalik nila ang kamay sa manibela.

"Welcome." My smile grew wider. I'm so in-love with this man.

Akala ko ang mansion na nila Zandro ang pinakamaganda, ngunit ng makita ko ang mansion na hinintuan namin ay parang magka-level lang ang dalawa.

"Let's go." Hinawakan ni Fabros ang kamay ko at iginaya papasok ng mansion.

"Fabros!" May lumapit sa aming lalaki na nasa middle age siguro ang tanda.

"Tito Manuel." The man hugged Fabros na sinuklian naman nito. Ng magbitaw sila ay sa akin naman bumaling ang lalaki.

"And this is?" Fabros pulled me closer to him, inakbay nito ang braso sa balikat ko.

"My wife tito."

"Ikinasal ka na pala! Ikaw hah, hindi ka nag iimbita!" Tila nagtampo pa ang lalaki ngunit humalakhak din kalaunan.

"Pasensya na tito, biglaan lang ang kasal at wala kaming masyadong inimbitahan. But we will plan for a formal wedding soon, iimbitahan ko na po kayo." Gulat pa akong napabaling kay Fabros, he also looks at me at seryoso lang ang ekspresyon nito. We never talk about having a wedding again.

"Sigurado yan hah! Hahahahha." Fabros nods.

"Nasaan po pala si Ares? Ilang taon na ng huli kaming nagkita." Nagbago ang ekspresyon ng lalaki.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now