CHAPTER 33

557 25 7
                                    

Nasa labas ako ng kwarto ng anak. Tahimik itong nakaupo sa gitna ng kama. Dalawang Lingo na ang nakakalipas simula ng matapos ang operasyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatanggal ang benda niya sa mata, ang sabi ng doctor ay baka umabot pa ng isang buwan o higit pa bago ito matanggal.

"How is she tita? " Naramdaman ko ang presensiya ni Ad sa aking tabi habang nanatili ang aking paningin sa anak.

"Ganon pa din Ad." Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan. Hindi ko alam kung anong nasa  isipan ni Fabros at pinili niyang umalis. Nanatili kami sa bahay niya dito sa abroad, pero nasabi na ng assistant niya na after mag fully healed si Aquilla ay babalik na kaming Pilipinas at may nakahanda ng tirahan para sa amin. Tumanggi ako ngunit nag insist ito na para din sa ikabubuti ng anak kaya kalaunan ay wala na nga akong nagawa at pumayag na rin.

Simula ng magkamalay ito ay si Fabros agad ang una niyang hinanap at kahit anong paliwanag ko na nagpapagaling ito sa sakit ay nagpupumilit siyang makasama ito. She didn't know that her father gave up his eyes for her at ayaw ko na malaman niya ito ngayon na nasa ganito kaming kalagayan. She's smart at alam kong madali niyang maiintindihan ang mga bagay.

"Wala pa rin si Fabros? He didn't contact you?"
Umiling ako. Nagbuntong hininga siya.

"This is what I am afraid of, ang iwan niya tayo ulit, na mas panghawakan ang ideya niya kaysa ang isipin ang mararamdaman natin." Naglakad ito palapit kay Aquila. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Fabros and I talk. He wants you to get better as fast as possible. Don't be sad, he won't leave us just like what he promised to you." Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Adriel ngunit may tiwala ako sa kanya.

Makalipas ang isang buwan ay tuluyan ng tinanggal ang benda ni Aquila, nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso ko ng unang beses itong nakakita.

"Mama." Tiningala ako nito. Agad sumalubong sa akin  ang berde niyang mga mata.

Marahan siyang ngumiti at umiling. Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Siguradong nais nanaman nitong magtanong tungkol sa ama ngunit sa maraming beses na paulit ulit lamang ang sagot ko ay marahil nagsasawa na rin siya.

"Makakasama mo din siya anak." Yan ang lagi kong sinasabi kada itatanong niya kung nasaan si Fabros.

Hinawakan ko ang kamay niya ng makita ang susundo sa amin sa airport. Dalawang taon, 2 years kaming nanatili sa abroad.

Nang makaupo sa back seat ay natanaw ko ang aking mukha mula sa rearview mirror. Bumalik na ito sa dati. Nawala na ang mga pilat at bakas ng sunog mula sa asido. Katulad ng gusto ni Fabros ay sumailalim din ako sa operasyon upang ipaayos ang nasirang mukha. Tanging ang assistant lamang nito ang nagpapaabot ng kaniyang mga minsahe sa amin, at kahit ilang ulit akong magtanong tungkol kay Fabros ay wala akong nakukuhang impormasyon.

Si Adriel ay nasa tabi ng driver, si Aquilla naman ay tahimik na nakaupo sa aking tabi at nakadungaw sa labas ng bintana.

Nakakalungkot isipin na habang lumalaki siya ay unti-unti na rin siyang tunatahimik, nawala na ang pagiging madaldal at jolly nito. Lagi na lamang walang kibo at madalas magbasa ng mga libro.

Mula sa salamin ay napagmasdan ko si Adriel. Katulad ni Aquila ay tahimik din ito. Minsan kahit magkasama ay hindi sila nag-uusap. Nasasaktan ako dahil parang unti-unti ng nagkakaroon ng matayog na pader sa pagitan nila. Hindi ko alam kung bakit at papano.

Pumasok ang sasakyan sa isang pamilyar na bahay. Halos wala itong pagbabago ngunit mas gumanda ito kumpara noon.

Bumalik ang lahat ng ala-ala sa akin. Tila isang malaking dagok sa akin na makitang muli ang tahanan.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon