CHAPTER 36:

652 27 12
                                    

True enough sa isang mamahaling restaurant nga kami nag dinner. Nagtagal kami sa loob ng mall dahil ang daming gustong bilhin ni Fabros para sa mga bata. Nag-laro rin ang mga ito.

"Let's order."

Nauna ng mamili si Aquila ng gustong kainin. Marami itong tinuturo sa menu pero pinag settle ko sa dalawang putahe. She's not heavy eater kaya kung ano ang kaniya ay yun na lang din ang akin. Ayokong may masayang na pagkain.

"What's yours?" Tanong ni Fabros after ko sabihin sa waiter kung anong order namin.

"Kung ano ang Kay Aquila. She's not a heavy eater hindi rin niya mauubos ang order niya."

"You don't have to worry about that. Order what you want."

"Yun ang gusto ko Fabros." Yun naman ang totoo. Hindi naman ako pamilyar sa restaurant kaya diko din talaga alam ang mga pagkain.

"Mama I want ice cream." Natigil kami ni Fabros. I look at Aquila. Tinuro niya ang katabing table kung saan may batang kumakain ng ice cream.

"Pero kumakain ka na kanina niyan sa mall, hindi na maganda kumain ng sweets sa gabi." Anas ko. Agad ang paghaba ng nguso niya.

"You.." Agad kong hinawakan ang braso ni Fabros. He stopped from talking.

"Stop it. You're spoiling her too much."

"Mama!"

"No Aquila. I said no." She pouts her lips more.

"We already have that Aqui. That's enough for today, we can have it again tomorrow." Tumingin si Aquila sa kuya niya.

"Tita is right, hindi ka pwede kumain ng sweets ngayong gabi na. You'll have a hard time sleeping later" Kahit alam kong napipilitan ay tumango si Aquila.

"Sorry about that." Bulong ni Fabros. I smiled at him.

"That's okay. She's precious to you thats why you are always giving in to her bidding."

"Yah, to the point that I'm being too much."

"You're not. Mahihirapan tayo kapag lumaki siya na nakukuha ang gusto." Tumango ito.

Dumating din kalaunan ang pagkain namin. Fabros ordered food for me, wala na akong nagawa ng mag-utos ito sa waiter kaya ang ending madami kaming take out na pagkain ng pauwi na kami.

Nakatulog sa byahe si Aquila kaya inakyat na ito ng isang bodyguard ni Fabros, nakasunod naman si Adriel.

"Good evening po ma'am, good evening Fabros."

Medyo nagulat ako ng maabutan si Crystal na naghihintay sa amin sa sala. Past 10 na kaya diko naman inaakala na gising pa ito.

"Hindi ka ba makatulog? Anong oras na kasi." Sa ilang gabi ko dito. Bago mag 10 tulog na siya after painumin si Fabros ng gamot tuwing 9 or 9:30.

"Uhmm, naghintay po ako. Yung gamot po kasi ni Fabros, nakalimutan kong itanong kung nadala niya." I look at Fabros na deretso lamang ang tingin.

"I have it with me. Pasensiya na Crystal, diko na nasabi." Crystal smiled widely.

"Nako okay lang! Akala ko lang nakaligtaan mo."

She walks toward us.

"Hindi ka pwedeng magpuyat. Tara sasamahan na kita sa itaas."

Hinawakan nito ang braso ni Fabros. Unti-unti kong binawi ang kamay ko na nakahawak sa kabilag braso nito mula sa pag-alalay sa kaniya papasok ng bahay.

"Salve." Fabros called me. He even look at my way.

"Ahmm mauna na kayo, magtitimpla lang ako ng gatas." Wika ko.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon