CHAPTER 22:

770 30 2
                                    

"Come with me." Umiling ako. May isang Linggo na nasa amin si Ad, nung nakaraang Biyernes ay nayos narin namin ang mga papeles nito para sa eskwelahan na papasukan.

"I'll spend a week there, please baby." Kahapon pa ako pinipilit ni Fabros na sumama sa kaniya sa Singapore para sa business trip, nagkaproblema sa kompanya niya doon at kailangan niyang maayos agad.

"Hubby papasok na si Ad bukas, wala siyang kasama kung aalis ako."

"Sasama naman kayong dalawa." Determinadong wika niya. Umiling akong muli.

"Pero unang araw ng pasok niya, late na nga ito kaya hindi pwede na lumiban pa siya." I never thought that he could be this clingy, dati naman ako ang may gustong gusto na nakadikit sa kaniya.

"Tsk." He hist. I crawl towards him. Nakaupo ito sa dulo ng kama. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Sorry hubby, excited na kasi si Ad na pumasok ayoko naman na siraiin iyon. Gustong gusto rin naman talaga kitang kasama kaso diba yung trabaho ko sa garden natin hindi ko parin natatapos." Paliwanag ko pa.

"Fine. Wala narin naman akong magagawa kung ayaw mo." Napangiti ako dahil bakas parin ang pagtatampo dito.

"Sorry." Tinanggal nito ang braso ko na nasa katawan niya. Hinarap niya ako at niyakap.

"I'll call you every time." He said while still hugging me.

"Tatawagan din kita. Let's do video call para naman lagi parin kitang nakikita kahit malayo ka." He sighs.

"Whatever you want wife." Masuyo niyang wika. Kumawala ako sa bisig niya upang gawaran siya ng halik sa pisngi.

"Baba na tayo hubby, nagugutom na ako." Naglayo kami. Inalalayan niya ako at inakay hanggang sa makalabas kami ng kwarto. Saktong bukas niya ng pinto ay siya ring labas ni Ad sa silid niya na katatapos lang kahapon ipagawa. Ang dati kong kwarto, pinalitan ng ibang gamit at interior design na angkop sa nais ni Ad para sa kaniyang silid.

"Good morning Ad." Masaya kong bati dito.

"Good morning tita." I told him na daddy at mommy na ang itawag sa amin ngunit ayaw niya at mas gusto ang tita at tito, ayaw ko naman siyang pwersahin kaya hinayaan ko na lamang din.

"Good morning boy." Bati ni Fabros na tinanguan lamang ng huli. Minsan natatawa na lang ako sa kung paano magtratuhan ang dalawa, they like each other, halata naman ngunit parang as male, parang hindi nila pinapakita ang affection sa isa't isa.

"Tara na sa baba, let's eat our breakfast." Wika ko at sabay sabay na kaming bumaba.

Habang kumakain hindi ko maiwasang isipin na tila mas naging espesyal ang lahat simula ng dumating si Ad sa buhay namin, habang tumatagal mas nare-realize
ko kung gaano ka tama na inampon namin siya.

"Do you want it?" I looked at Ad who's now holding the bowl of chicken adobo. I sweetly smiled at him.

"Yes Ad." Nilagyan niya ako sa aking plato.

"Thank you." Maliit ang ngiting iginawad niya sa akin, nailing ako ng marinig ang mahinang pag hasik ni Fabros sa aking tabi sabay kuha ng tubig na para sa akin.

"Nagseselos ka nanaman ba?" He  rolled his eyes on me.

"Who would not." Bulong niya pabalik.

"Ikaw talaga." Anas ko bago siya sandukan ng ulam. Ginawa ko rin iyon kay Ad, na ngumiti lang kalaunan.

Pagkatapos kumain ay inasikaso ko naman ang garden namin, yung dalawa ay nasa library, nagtatrabaho si Fabros at nagbabasa nanaman ng libro si Ad.

Tumulong sila ate Ana sa akin kaya medyo napadali ang pag-aayos namin sa parteng ini-schedule ko na gagawin namin ngayong araw, ang iba ay sa susunod na mga araw naman para hindi kami masyadong mapagod.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now