CHAPTER 30

597 29 7
                                    

Mabilis na dumating ang private plane ni Fabros, wala kaming inaksayang oras at agad lumipad papuntang ibang bansa.

Tahimik kaming magkatabi ni Adriel sa upuan, malapit sa bed kung nasaan nakahiga ang walang malay na si Aquilla.

"Ad pakiramdam ko wala akong kwentang ina." Muli nanamang bumagsak ang panibagong luha.

"H-hindi ko man lang nabantayan ang kalagayan ng kapatid mo."

"Wala kang kasalanan tita. Kung sana lang ay hindi ko inuna ang galit at mas tinuon ang atensiyon sa kaniya."

"H-hindi ko alam Ad. Diko kakayanin kapag nawala siya sa atin."

"Hindi siya mawawala tita. Aquilla is a strong girl. Alam kong kayang kaya niyang lumaban." Hinawakan nito ang kamay ko.

"Magtiwala lang po tayo."

"M-mama."

Mabilis akong tumayo at dumalo sa nagkamalay na anak.

"Mama."

"A-anak." Mahigpit ko itong niyakap.

"Kamusta ang pakiramdam mo anak? M-may masakit ba.. "

"Ma, okay na po ako. Asan po si Fabros?" Umaayos ako ng upo sa tabi niya.

"A-Aqui"

"Wala po ba siya?"

"A-anak kasi."

"Gusto ko po siyang nandito mama."

"Pero kasi... "

"Mama pakitawag po si Fabros." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.

"Aquilla umalis na siya anak, h-hindi na natin siya makikita, hindi na siya babalik."
Bakas ang galit sa kaniyang mga mata.

"Nagsisinungaling ka. Nangako siyang di niya ako iiwan!"

"Aquilla!"

Mabilis niyang tinabunan ang sarili gamit ang kumot na nakabalot hanggang tiyan niya.

"Hindi na siya babalik anak. Please Aquilla.."

"Hindi yan totoo!" Nagsimula na itong humikbi.

"Please anak, tumahan ka na. Makakasama sayo... "

"Bakit naman siya aalis? Nangako siyang di niya ako iiwan.." Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"Hindi niya yun gagawin sakin. Hindi siya aalis." Matigas na wika niya.

*THIRD PERSON POV

Dahang dahan lumabas si Adriel sa silid. Sa labas ng kwarto, sa upuan ay nandon si Fabros.

"You told her. She knows that you are her father."

Mula sa pagkakayuko ay tumingin ito sa batang nasa harapan.

"Ad..."

Mas lumapit pa si Ad dito.

"You are selfish. Sinigurado mong malapit siya sayo, alam na alam mo talaga kung paano sisirain ang buhay namin."

"Adriel" Bakas ang pagbabanta sa boses ni Fabros.

"She is blind because of you, she is sick because of you. Ikaw lahat ang dahilan."

Fabros smile without humour. Ngiti na puno ng sakit at pagsisi.

"Tama ka, ako ang may kasalanan ng lahat." Muli itong yumuko, sinapo ng mga palad ang mukha.

"Damn!"

Tumabi si Adriel dito. Unti unting umuga ang mga braso ni Fabros.

"Damn this life!" Pumiyok ito na sinundan ng hikbi.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Место, где живут истории. Откройте их для себя