CHAPTER 37

418 8 0
                                    

Nagising ako ng maramdaman na tila may mabigat sa aking tiyan.

Nang mag mulat ako ng aking mga mata. Tumambad sa aking harapan ang maamong mukha ni Fabros. Mahimbing ang tulog nito.

Pinaglandas ko ang dulo ng aking daliri sa kaniyang mukha. Hindi ko maiwasan, hindi alintana na baka magising ito sa aking ginagawa.

Ilang minuto lamang ay pinigil na nito ang aking kamay at dinala sa kaniyang labi. He kissed my hand gently.

"Good morning." Bati niya gamit ang pang-umagang boses. Hindi ko mapigilan ang mamangha, may igagwapo pa pala ito sa paningin ko.

"Good morning."

"How was your sleep?"

"Okay lang." Sagot ko kahit sa loob loob ay iyon na yata ang pinakapayapang tulog na naranasan ko matapos ang ilang taon.

"Ikaw?"

"Okay lang din." Sagot niya sabay higpit pa ng yakap sa akin. Siniksik nito ang mukha sa pagitan ng aking leeg.

"Gusto ko lagi kang nasa tabi ko tuwing gigising ako. I want to feel you always." Wika niya.

"Talaga? Pagkakatanda ko ayaw mo akong katabi dati. You even placed me in other room, kahit anong pilit ko na tumabi sayo." Tudyo ko.

"Lier." Wika niya bago mas lalong magsumiksik sa akin.

"Tama na nga pag-ipit mo sakin. Hindi na ako makahinga." Imbis na sumunod, umikot pa ito dala ako kaya ang ending ay napunta na ako sa ibabaw niya.

"Fabros! Ang clingy mo na, Hindi na ikaw yan." Natatawa kong anas. He kiss my both cheeks multiple times.

"Tama na nga. Anong oras na, yung mga bata may pasok pa."

"I want to see you." Nawala ang ngiti sa labi ko.

"I want to see your smile, your eyes, you. I badly want to see you Salve."

"Fabros."

"I'm planning to undergo another surgery."

"Huh?"

"I already talked with my doctor friend, I was examined, the eyes is not the problem, kailangan lang operahan at magpa-function na ulit ito."

"Operahan?"

"Sabi ng doctor na discover nila na hindi lang nag-function ng maayos ang mata sa anak natin, the problem is her brain, naapektuhan lang ang mata niya, but you don't have to worry she's okay now." Kinulong niya ang mukha ko sa kaniyang mga kamay. "Will you trust me with this?"

"Akala ko ba naging malala sayo ang operasyon noon? Sabi mo diba?" Naghahalo ang ideya sa isip ko. Ang daming what ifs.

"Yes, pero gusto ko ulit subukan."

Binuhat ko ang sarili paalis sa kaniya. Hinabol niya ang kamay ko ngunit iniwas ko kaya di niya nakuha.

"Fabros takot na takot ako non. Paggising ko wala ka na. Hindi ko na kayang maranasan ulit yun. Paano kung mas lumala. Paano?"

"Hindi mangyayari ang iniisip mo. Please baby." Malambing na wika niya. Naupo narin ito sa kama.

"Pano nga kung mangyari? Ilan ang percentage na magtatagumpay ang operasyon." Matagal siyang hindi nakasagot. Tila may malaking truck na bumundol sa puso ko.

"Please be honest with me." Pakiusap ko.

"Baby..." He tried to reach for me pero umiwas ako.

"I-ilan?"

"30%"

"Fabros.... 30%? What will happen kung hindi magtagumpay hah? Fabros 30% lang. You will really risk it?" Nahihirapan na natanong ko.

Di ako makahinga. Gaano kaliit iyon. Kaya ba niya talagang ilagay sa piligro ang buhay niya? Ako hindi ko kaya. Hindi kailanman.

"Please baby. Matagal ko ng pinag-isipan ang bagay na ito."

"Matagal na? Planado na? Para saan ang opinion ko. Fabros sinasabi ko sayo na hindi ko na kaya yun. Wala kang ideya kung gaano kahirap sakin ng malaman na muntik ka ng mawala. Can't we really be contended to what we have now?"

"Baby..."

"Fabros kasi kapag may nangyaring masama hindi ikaw yung mawawalan, hindi ikaw yung maiiwan dito, hindi ikaw ang magdudusa. Alam ko, alam ko na gustong gusto mo, at nagiging selfish ako pero hindi ko na kasi kaya." Tumulo na talaga ang luha ko. Hindi ko matatanggap kung mawawala siya.

"Baby hindi kasi pwedeng habang buhay ganito ako. Gusto ko ako ang mag-aalaga sa pamilya natin. Gusto ko masubaybayan ko ang paglaki ng mga bata. Kayo ang inspirasyon ko kaya kahit gaano kaliit ang chansa, I am ready to take the risk. "

Pinunasan ko ang luha.

"Babalik na ako sa kwarto ko." Mabilis akong tumayo at lumabas ng silid niya.

Nagulat si Crystal ng lumabas ako, nasa labas na ito ng kwarto. Ngumiti ako sa kaniya bago nagtulak sa silid ko.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now