CHAPTER 14:

752 38 6
                                    

"Okay ka na ba talaga anak?" Tumigil si mommy sa pagsuklay sa mahaba kong buhok.

"Opo mom, thank you po." Pagkarating sa bahay namin ay agad akong naligo, pagkatapos ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

"Magpahinga kana anak, nakausap na ng daddy mo ang lawyer natin, baka after 2 days makapag file ka na ng annulment."

"Salamat po mom." Hinagkan ako nito sa noo.

"Hindi magiging madali ang proseso anak pero sinisigurado namin ng daddy mo magiging maayos ang lahat. Saka k-kung gusto narin kumawala ng asawa mo, siguro mas magiging mabilis."

"Sigurado po akong pagkatapos ng mga nalaman niya, baka kung hindi ako mauunang mag file ay baka siya na ang gumawa ng paraan para makapag hiwalay kami." Tumulo na naman ang panibagong luha mula sa mga mata ko.

"H-hindi niyo na ba maayos anak?" Puno ng pakiki-simpatya ang boses nito. Umiling ako bilang sagot.

"Nakakahiya po mommy, nakakahiya kay Fabros at sa mga taong nakakaalam." Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Sobrang bumibigat ang kalooban ko tuwing naaalala ang mga sinabi ng babae kanina.

"She said that we were friends, mom, she's pregnant when I s-slept with her husband. M-mommy bakit po, paano ko po yun nagawa. Ang sama sama ko pong tao." Niyakap ako nito ng mahigpit na agad kong sinuklian, sa mga balikat nito ko binuhos ang lahat ng sakit na aking nararamdaman.

"Tama na sweetheart nakaraan na iyon, kahit anong pilit natin, hindi na natin makakaya pang ibalik, at isa pa, pinagsisisihan mo na iyon ngayon, sapat na yon para patawarin mo ang sarili mo." Umiling ako ng ilang beses.

"Hindi mommy, pamilya po ang nasira ko. Tao po ang nasaktan ko." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

ILANG minuto matapos akong tumigil sa pag-iyak ay iniwan na ako ni mommy para makapagpahinga ako, ngunit hindi ko alam kung paano at kung ano ang pahinga sa mga oras na ito. Patuloy tumatakbo sa aking isipan ang mga naganap kanina, hiya hiya ako para sa sarili.

INABOT sa akin ni Daddy ang papeles. Nasa library room kami ng bahay, nandito sila ni mommy kasama ko pati ang lawyer namin.

"Mrs. Paki permahan na lang po, pagkatapos ay agad ng ipapadala iyan sa inyong asawa."

"Are you really sure about it anak?" Mula sa pagkakatitig sa papeles ay tumugon ang paningin ko kay daddy, he's been quiet since what happened last night. Alam ko na disappointed siya sa akin at ang kaalamang iyon ay tila isang patalim na sumusugat sa akin puso.

"I can talk to Fabros about this, hindi niyo kailangan maghiwalay."

"Hindi po daddy." I force myself to give them my warm smile.

"Mali po ang nagawa ko, bilang isang babaeng may asawa hindi po dapat ako tumatabi sa ibang lalaki bukod kay Fabros." Mabilis ang pagpahid ko sa luha na nakatakas na naman sa aking mga mata.

"Pasensya na po mom, dad, isang malaking kahihiyan ito para sa ating pamilya. H-hindi ko po alam kung paano ko po yun nagawa dati." Lumapit sa akin si daddy at ikinulong ako sa bisig niya.

"You've grown so much honey, I'm so proud of you." Mas lalong humigpit ang yakap namin sa isa't isa.

"Buong gabi ko po itong pinag-isipan. Mas mabuti po kung puputulin ko na ang ugnayan ko kay Fabros, para po sa ikabubuti at ikalilinis ng pangalan niya." Pinakawalan niya ako at siya na mismo ang nag-abot ng ballpen sa akin.

Kinuha ko ang papeles at agad pinirmahan. Kinuha ito ni daddy sa lamesa at matagal pinakatitigan.

"You changed your signature?"

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now