CHAPTER 25:

736 34 22
                                    

"Kamusta naman kayo dito? Hindi ka ba natatakot na baka may mga bandido na bumaba sa bundok?"

Tanong ni Esme ang kaisa-isang naging kaibigan sa akin, napakabait nito, kahit nasa gawing pusod ng baryo ang bahay niya at malayo ang sa amin ay talagang naglalakad ito sa gitna ng bukid para lamang mapuntahan ako. Kapatid ito ni kapitana.

"Ayos lang naman Esme, anim na taon na kami dito at wala pa namang nagagawing bandido." Natatakot din naman ako ngunit nananampalataya na lamang na walang kapahamakan na mangyayari sa amin.

"Medyo maluwang pa ang lote namin, nakausap ko na si Fernan.." asawa nito. "Umoo na siya na pwede kayong magtayo ng kubo doon, nakakatakot dito sa puwesto niyo kung walang bandido ay mababangis namang mga hayop."

"Gustong gusto ko sana Esme pero ayoko ng mahirapan ang mga bata, alam mo namang madalas sila mabully dahil sa akin." Marahas ang pagbuntong hininga nito.

"Hay jusmiyo naman kasing mga tao iyan oo, kalahati lang naman ng mukha mo ang naapektuhan ng pagkasunog, sigurado, kung wala yang paso mo sobrang ganda mo, ang kinis pa ng kutis." Tumayo ito at kinuha mula sa estante ang litrato ko noon bago pa operahan at gawing mukha ni Adelle. Nakuha ko sa Estella ng minsan akong pasimpleng pumuslit doon.

"Ang ganda ganda mo talaga. Maganda ka parin naman kahit may sunog ang mukha mo." Hindi ko na pinatulan ang sinasabi niya, halos buong mukha ko ay sunog kaya paanong maganda. Pinapagaan lamang nito ang loob ko panigurado.

"Saka ang anak mo din sobrang ganda noh, kulay berde pa ang mata. Foreigner ba ang tatay." Ito nga lang ang mahirap sa babae, tuloy tuloy ang bibig.

"Nakalimutan ko na." Anas ko na lamang ayaw ng ungkatin ang tungkol sa parteng iyon.

"Bruha, sinungaling, baka one night stand."

"Ikaw talaga kung ano anong sinasabi mo nasa gilid lang ang mga bata baka marinig ka."

"Asan pala si Adriel? Kaya sumama si Erika dito ay krash na krash iyong anak anakan mo, gusto daw makita." Tukoy nito sa anak na babae, mabait naman ang bata at kalaro din ni Aquila.

"Nagpumilit nanamang magbenta ng gulay, sabi ko ay ako na lamang pero tulad ng dati ay tutol nanaman."

"Napakasipag talaga ng anak mo na yon, ang talino pa, kapag nasa tamang edad na ay ipakasal natin sila ni Erika ko hah." Natawa na lamang ako.

"Kung gusto ni Ad bakit hindi." Sakay ko sa biro niya.

"Tita." Sabay kaming napalingon kay Adriel na pumasok sa sala. Ubos na ang paninda nito. Inabot niya sakin ang perang napagbilhan.

"Salamat Ad, sa susunod ay ako na ang mag bebenta ng mga gulay hah."

"Huwag na tita kaya ko naman, nasaan po si Aquila?" Tanong nito, lagi't lagi ay si Aquila talaga ang lagi nitong unang hinanap tuwing uuwi ng bahay.

"Baka nasa likod kalaro si Erika." Agad narin siyang lumabas.

"Ang gwapong bata talaga niyan ng anak mo, laging may kaaway si Erika sa baryo dahil diyan." Natawa na lamang ako.

"Suplado nga lang." Dugtong niya na sinang-ayunan ko agad. Kinalakihan nito ang pagiging tahimik at hindi namamansin, mabuti na lang at hindi naman siya ganon kay Aquila at maganda ang pakikitungo dito. Tinupad niya ang winika noon na magiging mabuti siyang kuya sa kapatid.

Ng maghapon ay umuwi na ang mag-ina. Tapos narin akong magluto, wala kaming kuryente kaya tanging lampara lamang ang gamit naming ilaw kaya maaga rin kaming kumakain ng hapunan.

"Ad matatapos ka na ba?" Gumagawa kasi ito ng assignment, bukas ay lunes na naman at may pasok siya.

Dahil sa kapansanan ni Aquila ay hindi ito nakakapasok sa eskwelahan ngunit marunong na itong magbasa at sumulat sa tulong ni Ad, meron itong inuwi noon na isang manipis na libro kung saan nakaukit ang mga ibat ibang letra at number, binigay daw ni kapitana para kay Aquila. Sa pamamagitan noon ay naturuan niya si Aquila na magsulat at magbasa.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Where stories live. Discover now