10

62.9K 1.1K 540
                                    


Nakalugmok lamang ako dito sa may damuhan sa ilalim ng puno. Unti unti kong napansin ang pag-dilim ng langit.

Pati ang kapaligiran ay nakikiramay sa madilim kong kapalaran.

Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto kahit may badya ng pag-ulan. I will just let this rain pour over me.

But I was wrong. Nang napansin ko ang pagkabasa ng damuhan ay nagtaka ako? Tumingin ako sa langit, umuulan na. Pero bakit hindi ako nababasa?

Unti unti kong napansin ang anino sa aking gilid. A man holding an umbrella appeared behind my back.

He's not just any other man, it was Kai.

Pumikit ako at mumulat muli. Is this another dream? Pero yung sakit kanina, parang totoo eh.

Tumayo ako at sinundot sundot siya. Nahahawakan ko.

Hindi ko na natiis at pinisil ko ang kanyang braso.

"What the hell Roshan?!" sigaw niya habang hinihimas ito.

"You're real." mangha kong sagot.

"What? Of course I am." dumadaing pa rin siya dahil sa madiin kong pakakurot.

"Oh, sorry about that. I was just testing kung hindi ba ito panaginip." I smiled playfully.

"Bakit sa akin? Hindi ba dapat sa iyo mo subukan?" tanong niya pabalik.

Oo nga noh?

Pero bahala na.

I was still shocked when I realized he's real. Tiningnan kong mabuti ang kanyang mukha, until I noticed something.

He was drenched!

Agad kong inilayo sa uluhan ko ang payong papunta sa kanya.

"You're wet." saad ko.

Dahil makulit siya ay binalik niya ulit ang payong sa aking ulo.

"No, you're wet." pabalik niyang sagot.

"Then let's share." binalik ko sa ulo niya ang payong at sumilong din ako.

Maybe my mom asked him to fetch me.

Nakakahiya! Naka-abala pa ako.

"Why are you here?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot.

"To fetch you, if it wasn't that obvious." malamig niyang sagot. Nakikisali ba ito sa lamig ng panahon?

"Sorry to bother you. My mom even called you, ang layo pa ng pinanggalingan mo." nakayuko kong tanong.

Hindi ba pwede na sina mommy at daddy ang sumundo sa akin? Can't they just, for once, do something on their own?

"No, it was fine. At galing din ako sa bahay niyo, so it's not a bother." dumikit pa siya sa akin dahil mas lumalakas ang ulan.

"Ohh ." tanging sagot ko na lamang dahil naramdaman ko na ang braso niyang nakadikit sa akin.

Ang aga aga ay pupunta siya sa amin. Ano na namang pakulo ng nanay ko?

"Let's just walk faster and get in the car." itinuro niya ang kotse niyang nasa malapit.

"We're wet, hindi ba mababasa ang sasakyan mo?" tanong ko.

"Are you even real? We're wet kaya obviously mababasa ito. Sakay na." pinabuksan muna niya ako ng pinto bago umikot sa driver's seat.

Inirap ko naman ang aking mata. At dahil nasa labas pa siya noon, hindi niya ito nakita.

Kaya umirap ulit ako pagpasok niya.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon