49

39K 866 805
                                    

Me:
Thank you sa mga pinadala mong pasalubong! And thank you rin sa pag aalaga ng mabuti kay Neytiri.

Kai:
Thank you also for letting me have her, that was an amazing birthday gift.

Birthday gift?

I recalculated the time and realized last week was his birthday. Nakaramdam ako ng kung ano sa puso ko.

March 25, on his birthday, I left him. I got drunk and met Aiden. Then I got pregnant.

Me:
Belated happy birthday Kai!

Kai:
Thank you Roshan. It is very much appreciated. Good night!

Itinabi ko ang cellphone ko at tumingin muli sa kisame. Hobby ko na atang tumitig dito habang nagmumuni muni.

A lot of things had happened in the past years, parang kailan lang ay kasama ko sina Kelly at Tris sa dorm. Masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

I hope Kelly's doing well.

I hope maayos ang pag aaral niya. They're already in their fourth year at konting tiis na lang ay gagraduate na.

Konting tiis na lang at matutupad na nila ang pangarap nila.

I sighed and pitied myself. Napag iiwanan na nila ako. Ni hindi ako nakapagpatuloy sa pag aaral.

I thought of coming back to school, taking up arts. But, inisip ko naman si Neytiri. Bata pa siya at walang mag aalaga. Hindi naman pwede palagi siya doon kina Kai.

Tiis tiis lang Roshan, si Neytiri muna bago ikaw.

Nakakaipon naman ako dahil sa pagpipinta, pagbubutihan ko na lang iyon para makadagdag sa pang gastos. At kapag malaki laki na si Neytiri, mag aaral ako.

Lumingon ako sa aking gilid, Aiden was not yet home. Palagi na lang late umuwi nitong nakaraang mga araw. Minsan ay umuuwing lasing.

"Roshan.." ngiti niya at pagewang gewang na naglalakad papunta sa akin. Agad ko naman siyang dinaluhan.

"Lasing ka na naman." puna ko, naamoy ang halimuyak ng alak.

Niyakap niya ako at pinagdikt ang aming noo. "Mahal na mahal kita." may kung anong bumara sa lalamunan ko kaya't hindi ako makasagot.

"Alam ko naman Roshan, hindi ako tanga." ngiti niya.

"Aiden..." nanginginig ang aking labi.

"Basta dito ka lang sa tabi ko ha? Huwag mo kong iiwan ha? Pangako yan?" nakapikit siya ngunit nakita kong tumulo ang kanyang luha.

"Halika na, matulog ka na Aiden." paanyaya ko, hawak ko ang braso niya dahil baka mawalan siya ng balanse.

"Mahal kita. I love you Roshan." paulit ulit niyang binabanggit habang inaalalayan ko siya pahiga sa kama.

He looks so angelic when asleep. Pinarte ko ang kanyang buhok para makitang maayos ang mukha.

Unti unting tumulo ang luha ko.

"I'm sorry Aiden. I'm trying so hard." pinipigilan kong huwag humagulgol dahil baka magising ko siya.

"I love you, I know. It's just not the love you expected to be..." iyak ko habang nakatitig sa kanya.

"You've been nothing but good to me. I am always grateful for you." hinawakan ko ang kanyang kamay at pinagsaklop ito sa akin.

"I'll try harder Aiden, I promise." I kissed his forehead. Hinaplos ko ang kanyang mukha. "I'll try not to hurt you." sabay pahid sa luha. I am trying, still trying to open my heart fully to him.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon