63

21.6K 580 139
                                    

"Bitawan niyo ako! Lola Fe, please." iyak ni Kelly habang nakahawak sa kabaong ng kanyang pinakamamahal na lola.

It's her last burial today. Bukas ay tutungo na siya sa libingan.

Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa Bicol, especially in Kelly's house. She can't function really well kaya't kami ni Tris at Kyla ang nag aayos ng lahat ng kailangan.

Aiden was holding Kelly now. Halos wala siyang tulog pagkauwi. The doctor said she should rest as much as she can, pero kabaliktaran ang nangyari.

"Kelly.." panunuyo ni Aiden.

"Lola, paano ako? Ano na ang gagawin ko kung wala ka? Paano na kami?" iyak niya.

Lola Fe is her mother figure, no, it's her mother. They were really close to each other, simula bata ay siya ang nagtuturo kay Kelly ng kung anong dapat gawin.

"Ni hindi mo pa nga ako nakikitang maging CPA, bakit ang aga mong nawala? Lahat lahat ginawa ko, nag aral ako ng mabuti para sa inyo, ni hindi mo man lang makikita na magiging successful ako. Ni hindi ako nakapagbalik ng utang na loob." hagulgol niya habang hinahaplos ang mukha ng kanyang lola.

"Lola naman eh. Ang daya daya. Sabi mo pa noon, ikaw ang maghahatid sa akin sa altar. Sabi mo nakangiti ka nun dahil masaya na ako. Sabi mo ikaw pa ang mag aalaga sa mga anak ko. Paano na yun lola kung wala ka na?" she weeped.

Simula ng makauwi ay hindi na siya umalis sa tabi ng kanyang Lola Fe, palagi rin siyang nakatulala at wala sa wisyo. Bakat pa rin ang mga sugat sa kanyang mukha at katawan. Namamayat na rin siya dahil laging lumiliban ng pagkain, laging walang gana.

"Sorry lola, nang dahil sa akin kaya ka nawala. Sorry lola." halos lumuhod siya sa kabaong nito.

"Kelly, magpahinga ka muna." lumapit si Lolo Berto sa kanya. Kelly hugged her.

"Lolo."

"Halika na muna, apo. Kumain ka muna. Masamang nalilipasan ka. Magagalit ang lola mo niyan, sige ka, baka multuhin ka." pagbibiro nito pero halata sa boses ang panginginig.

Siya lang din ang nakakapilit kay Kelly na kumain. Kahit si Aiden ay walang nagagawa, but despite that he stayed. Palagi siyang naka bantay dito.

"Alalayan na kita." saad ni Caleb.

"Ma-ma."

"Yes, baby?" sagot ko sa anak. "Antok ka na?"

"Ulog na iri." I smiled. She said tutulog na raw si Neytiri. I gave her to Kai and they went to Caleb's place.

I stayed with Tris. Mayroon din kasing ibang bisita at kami ang nagaasikaso rito.

"Maraming salamat mga iha, ha? Salamat sa pagtulong sa amin dito." saad ni Lolo Berto.

"Walang anuman po, Lolo. We're always here for Kelly, and for your family." tugon ni Tris.

Tumango naman ako at pinagmasdan si Lola Fe.

Tuwing bumibisita siya sa Maynila noon ay lagi niya kaming pinapasalubungan ni Tris ng mga kakanin. Palagi niyang ibinibilin sa amin si Kelly.

"Huwag kayong mag alala lola, kami na po ang bahala kay Kelly. Magpahinga na po kayo kung nasaan man kayo ngayon, ikamusta niyo rin si Kelly kay Tita Kara." ani ko.

"I know you're proud of Kelly, sa lahat ng nagawa niya. I know you're cheering for her now. And thank you po dahil pinalaki niyo ng maayos si Kelly, thank you kasi inalaagan niyo siya. Thank you kasi dahil sa inyo, may best friend ako ngayon."

"You may rest in peace knowing there are many people here who will do anything for your granddaughter. She also has a loving partner, I know Aiden will take good care of her." pinunasan ko ang aking luha at nagtungo sa kusina kung nasaan si Kelly.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon