69

28.8K 720 327
                                    

Sa loob ng ilang araw ay lagi kong naalala ang mga sinabi ni Tris. Hindi ito mawala sa aking isipan.

Doon na lang din ako napatingin sa salamin, malaki na nga ang pinayat ko. My eyes were swelling, the puffiness under it was very evident.

Bakit nga ba lagi kong nakakalimutan ang sarili ko?

Bakit sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko magawang mahalin ang sarili ko?

Palagi kong sinasabing 'I'll love myself first' pero hindi ko naman magawagawa.

Maybe because I don't think I deserve it. Sa lahat ng nasaktan ko, sa lahat ng nagawa ko, maybe at some point I think I deserve this. I deserve the pain.

Nakasakit ako, kaya dapat masaktan din ako.

Pero sobra naman ata?

Araw araw na lang pinapaalala sa akin na wala na nga ang anak ko. Tuwing tumitingin ako sa tabi at wala ang crib ni Neytiri. Tuwing wala ng umiiyak at yumayakap sa akin. Tuwing wala na akong naririnig na nagsasalita ng Mama.

Kahit sa panaginip ay palagi niya akong dinadalaw. Palagi siyang humihingi ng tulong sa akin. Natatakot ako, dahil parati na lang ang itsura niya sa morgue ang nakikita ko.

I'm glad Kai was there to calm me down every time, I'm thankful he's always there for me.

Pero alam kong may sarili siyang kargo. He lost his ability to walk, and he blames himself for everything. Kung ano lang ang nasa katayuan niya, baka mabaliw ako.

He's strong. I know it.

Papayag kaya siyang hindi ako kasama sa America?

After some thinking, I finally realized Tris is right. We need time to heal, individually. Pareho kaming ubos na ubos na, wala na kaming maibibigay sa isa't isa. We can't fuel each other if we're both empty inside.

I just felt guilty of the thought that I won't be able to help Kai in his recovery...pero iniisip ko rin kasi paano ako? Kung makapalakad nga si Kai, ano naman lugmok pa rin.

It's selfish, that I'm planning to leave him alone there, pero may pamilya rin naman siya doon. His parents will be there for him, Sebastian and Elios will help him.

Eh ako? Siya lang at sina Tris ang meron ako. Wala na akong magulang na tutulong sa akin para makabangon muli.

Pinasadahan ko ng tingin ang naka ngisi niyang mukha, tuwang tuwa siya kapag pinapayagan ko siyang gumawa ng gawaing bahay. He's now cleaning our dishes.

"Thank you for the help, mahal ko." I said as I stroked his hair.

"Oh, this is nothing. I'm more than happy to help you. Ayokong nakaupo lang ako dito."

Tumango ako. "Don't worry, soon, makakatayo at makakalakad ka na rin."

"I can't wait to go abroad. Konting tiis na lang Roshan and I'll be normal again." he said, hopefully.

"Mahal ko." ani ko at lumuhod sa kanyang harap. "Even if you're physically challenged, you're still normal. You're still as handsome as ever. Hindi naman mababago ang katayuan mo, dahil lang may kapansanan ka."

"I was just..." yuko niya.

"I understand it, mahal ko. You're still coping up. We still are." I tried to stop my tears pero para silang traydor na nagsituluan.

"Can we talk?" tanong ko.

"We're talking now." he chuckled. Natawa rin ako na ganito ang naging sagot ko sa kanya noon.

"Ikaw talaga." I said as I cupped his face.

"What is it, mahal ko? Hmm?."

Huminga ako ng malalim at dinala siya sa sala, umupo ako, kaharap siya. Living at his place is really a new adjustment for me. Malaki na kasi at malawak ang lugar. Siguro ay nasanay ako sa maliit na unit namin ni Neytiri.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon