24

44.3K 895 491
                                    


Pagkatapos ng mahigit isang oras ay nakarating na kami sa kanyang lugar. Maliit lang din ang unit niya na may isang kwarto.

"Ilalagay ko na ito sa kwarto." sambit niya.

Tumango na lang ako at umupo sa kanyang sofa.

Malinis ang bahay niya, maliit lang ngunit mukha namang kumpleto ang gamit.

"Do you really trust me? We just met at agad mo na akong dinala dito. Hindi ba ay masyadong mabilis?" tanong ko.

"Kung hindi ka pinalayas ay hindi kita papapuntahin dito. We can just co parent. But because you don't have a place to stay ay nag offer ako. It's my fault too kaya ka pinaalis. It's my responsibility to help you." saad niya at nagtungo sa kitchen.

"What food do you want?" tanong niya.

"Kahit ano." sagot ko at humilata sa sofa.

"You have any cravings?"

"Wala pa naman. Nagsusuka lang ako sa umaga."

"That's normal. I will just cook our food. Stay there, or pwede ka sa kwarto. Your choice." tumalikod na uli siya at nagtungo na sa kusina.

He seems to be a good person.

He's responsible at pinapanagutan lahat ng ginagawa.

"Aiden, do you have a phone? Can I borrow it? Hindi na kasi binalik sa kain yung cellphone at laptop ko. I will just call my friends." sigaw ko sa kanya, tinatamad na kasi akong lumapit.

"It's on the countertop, walang password." sagot niya.

Agad ko namang hinanap ang cellphone niya at binuksan.

When I opened it ay tumambad sa akin ang picture nila ng isang babae. Fuck! May girlfriend ba ito?

Dahan dahan akong pumunta sa may kusina. Naamoy ko ang halimuyak ng tinolang manok.

"Is this your girlfriend? Sorry, hindi ko alam. Aalis na lang ako." sambit ko.

He looked at me weirdly, naka apron siya at patuloy sa pag-hahalo.

"What?" lito niyang tanong.

"This girl, na wallpaper mo. Girlfriend mo ba?" ulit ko.

"Silly, that's my sister. Go back there and don't overthink too much."

"So, single ka?" pangungulit ko.

"If I am taken, hinding hindi ka makakapasok sa pamamahay ko. I won't go to a bar and let myself impregnate a random stranger." iling niya at bumalik sa ginagawa.

"Oh, okay." nawala naman ang bigat sa kaing loob, nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay may nasira akong relasyon.

Bumalik na ako sa sofa at nagsimulang i contact ang mga kaibigan ko.

Mag-iipon ako para makabili ng bagong cellphone. I'll probably dropt out this coming sem dahil wala na akong pang tuition. Hindi naman ako scholar katulad ni Kelly at Tris.

"Girl! Anong nangyari sayo? Tagal mong walang paramdam. I miss you so much." hiyaw ni Kelly sa kabilang linya.

"Teka nasan ka?" dagdag niya ng napansing iba ang background ko. Naka video call kasi kami, hindi pa sumasagot si Tris. Busy pa ata.

"Long story Kelly. Pwede meet tayo? Kelan ka uwi dito?" malungkot kong sagot.

I miss them so much. Sila lang talaga ang pamilya ko.

"What happened, Roshan? Yung bruhildang nanay mo na naman ba?" umuusok na naman ang kanyang ilong.

"Yeah, maraming nangyari. Pag nakabalik ka na dito, kita tayo ah. I really need you guys." sambit ko.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon