73

30.2K 604 228
                                    

I really don't know what's up with Aiden. Hindi na rin ako nakatanggap ng anumang balita tungkol sa kanila. Basta ang alam ko, noong araw na nagkita kita kami ay doon nalaman ni Kelly na hindi siya pumasa sa board exam. She finally took it after years of working and she failed.

Kaya't ganoon na lang din siguro ang lungkot na nararamdaman niya. I want to comfort her pero hindi ko naman alam kung paano, she never answers any of my calls. Kahit si Tris ay hindi niya sinasagot. And I am worried as hell, lalo na dahil sa mga sinasabi ni Aiden.

Sunod sunod na namang problema ito kay Kelly kung sakali.

"Don't stress yourself too much, Roshan. Ako na ang bahala kay Kelly, you have to deal with something too. Focus on that, please." pakiusap ni Tris na agad ko namang sinang ayunan.

As much as I wanted to help Kelly, I'm not fully healed to add another burden in me.

Alam ko namang maiintindihan niya iyon kung sakali, at kung sakaling hindi siya galit sa akin.

I know it's my fault that Aiden's like that. I've hurt him, umasa siya sa akin noon, pero kasi...hindi naman dapat habang buhay na sisihin ko yung sarili ko doon. I already paid that price, ang dami ko ng pinagdaanan. Ayoko namang sisisihin ko ang sarili ko hangga't hindi pa nakaka move on si Aiden.

Hindi ko naman deserve yun.

May sarili rin akong kargo ngayon. Nahihirapan din ako at ayaw kong may dumagdag pa sa iisipin ko.

And it's been months since that incident happen, hindi ko rin alam kung si Aiden at Kelly pa ba. Wala na akong balita sa kanila. Tris may know something pero hindi niya sinasabi sa akin para raw makapag focus ako sa sarili ko.

But I hope Aiden will be honest to Kelly. I hope he'll heal first, love himself first.

And I hope Kelly can handle everything. I hope she'll be okay. We all deserve to be happy after all.

Nakatulala ako sa sofa ng bigla akong talunin ni Iri. She licked my face.

I smiled.

"Oh, gutom ka na naman?" I said and played with her fur. Tumawa na lamang ako sa reaksyon niya. Ang cute talaga ng alaga kong ito.

She's really my stress reliever.

Tumungo ako sa pintuan para silipin kung may note ba na doon si Kai, pero wala pa. Baka mamaya pa iyon, hindi naman nakakalimot iyon.

Miss na miss ko na naman siya, but I know he's busy with his therapy. Sana lang ay makalakad na siya para makauwi na agad siya dito.

I really want to hug him tight.

Inabala ko na naman ang sarili ko sa pagpipinta, I am currently working on a family portrait. Family portrait naming tatlo nila Kai and Neytiri.

I'll give this to Kai when we see each other again.

Dali dali akong tumungo sa pintuan ng narinig ko ang doorbell. Ayan na, Kai's daily notes.

I smiled widely when I saw a note and a flower. Kinuha ko agad ito ang binasa.

Hi Rohsan! I love you so much, please take care of yourself. Please remember to prioritize yourself before others. See you soon. - Kai the Kalaykay

Tumulo naman ang luha ko sa sulat niya. This is exactly what I needed right now.

I kissed the note and smelled my flowers. Nilagay ko na sila sa lalagyan nila.

"Yes, baby. Ako muna bago ang iba. Thank you for the reminder." bulong ko.

I smiled and continued doing my canvas.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon