34

39.2K 769 489
                                    


"Ayoko nga sumama, bahala ka diyan!" sigaw ko.

"Roshan, diba nag usap na tayo? My mother and sister are expecting you." pagpupumilit ni Aiden.

It's Saturday morning, we're about to travel all the way to Bicol to meet his family. Pero ngayon ay nag backout ako.

Nakahanda na lahat ng gamit namin, pati ang sasakyan pero balak kong huwag ng sumama.

"This is a few weekends na hindi ako busy, mahihirapan tayo if we reschedule it again." saad niya.

"Ayoko, at saka hindi mo naman ako girlfriend, mag expect ang mama mo."

"Roshan, you're pregnant. And I'm the father of that child, isn't that fair na makilala ni mama ang apo niya?"

"Anong apo eh hindi pa nga lumalabas. Bahala ka. Umuwi ka mag isa mo." I rolled my eyes.

"Hey please. My family were expecting you, ayoko namang ma disappoint sila." pakiusap niya.

Disappoint?

Hindi ata siya sanay na ma-disappoint sa kanya ang pamilya niya. Well, he's smart and hardworking. For sure ay mabait at mapagmahal itong anak.

Sanay kasi akong laging disappointed ang magulang ko sa akin. Kaya di na ako namomroblema sa reaksyon nila, dahil alam ko naman kung ano iyon.

Bigla tuloy akong naguilty.

I sighed and walked to the doors while carrying my bag.

"Roshan, where are you going? We're talking."

"Eh san pa ba? Ano magpapa iwan ka?" ani kong nagpangiti sa kanya.

Dali dali niyang binitbit ang ilang gamit at nagtungo sa akin. He kissed my forehead when he got near me.

Agad naman akong umiwas.

"Tara na?" he said, smiling.

We went to his car and he drove it, going to our destination - Bicol.

Kelly was from that place too. Doon siya lumaki, nagtungo lang sa Maynila upang mag-aral.

I wonder if I can ask him about her. Kelly was not responsive to me, ni hindi siya nag reply sa mga text ko. Kahit calls ay di niya sinasagot.

I was devastated.

I called Tris for help pero ang sabi niya, I should just give Kelly time dahil nasaktan yung tao. She already talked to her pero ayaw daw nitong pag usapan ang kahit ano tungkol sa akin.

Halos araw araw akong umiiyak. Hindi kasi ako sanay na ganoon ang turing sa akin ni Kelly. Oo nag-aaway kami, pero hindi ganito katagal. Weeks had already passed pero wala pa ring pansinan.

Mabuti na lang ay palagi ko pa ring kausap si Tris, she always updates me sa ganap sa kanila at kay Kelly. Siya na lang din ang napagsasabihan ko ng problema ko.

I miss Kelly, I miss my best friend. Pero tama naman si Tris na kailangan ko siyang bigyan ng oras.

With my sadness, I tried to go painting. Naalala ko kasi yung ginamit ni Aiden sa orange noon na mga pintura. Hiniram ko iyon at nagpinta.

Binilhan niya rin ako ng ilang mga karagdagang gamit.

Back when I was a kid, marami akong painting tools. I loved painting. Ito ang hobby ko noon. This is where I put all of my emotions.

When I'm sad, I paint. When I'm happy, I paint. It became my outlet before.

I remember painting an image of a loving mother and her child. In that painting nakayakap ng ina sa kanyang anak.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon