25

43.8K 790 456
                                    


Kinusot ko ang aking mata at nakitang wala na si Aiden sa aking tabi.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

When I got out ay agad kong naamoy ang halimuyak ng noodles at fried rice. Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagsusuka. Ang baho!

Agad akong nag tungo sa banyo upang sumuka. Naramdaman ko ang pagdalo ni Aiden sa akin, dala dala pa ang sandok.

Hinagod niya ang aking likod. Nang nakatayo ay inabutan niya ako ng tubig.

"Ang baho ng noodles, beef ba iyon? Hindi ko gusto ang amoy." saad ko.

"Oh I'm sorry I didn't know. Papalitan ko ngayon din." inalalayan niya ako sa kama. Lumabas muna siya para magluto ng bagong putahe.

Binalikan niya ako sa kwarto para sabihing nakaluto na siya ng pagkain. Egg and hotdogs ang ulam namin ngayon.

"I'll just finish this and I'll go to work after. Ikaw na muna ang bahala dito." aniya.

Tumango naman ako sa sinabi niya. "Aalis din ako mamaya, I'll meet up with my friend."

"How will you contact her? You borrow my phone first, pag-uwi ko ay ibibili kita ng bago."

"Hindi na." iling ko. "Makiki-online na lang ako sa labas kung kailangan." dagdag ko pa.

"No, sayo muna ito. Pag may mahalagang tawag o text ay sabihin mo na lang pag-uwi ko." iniabot niya sakin ang kanyang cellphone at tumayo na.

"I'll go now." kinuha niya ang kanyang gamit at akmang aalis na.

"Ingat ka. Salamat dito." sabay pakita ng cellphone.

Nang nakaalis siya ay nagligpit na ako ng pinagkainan. Nakakahiya naman sa kanya, kailangan ko ng maghanap ng trabaho para makatulong sa bahay.

Pagkatapos magligpit ay agad akong nag-online. I called Kelly.

"Anong balita babes?" tanong ko.

"Lunchtime ay nandyan na ako. San ba tayo magkita? Kumain na lang tayo sa labas. Treat ko!" saad niya habang pinakita na nasa bus na nga siya.

"Sa usual na lang sa gilid ng school. Thank you for the treat Kelly. I'll look forward to it." ngiti ko sa kanya.

"Ikaw pa ba. Oh siya sige. Paalis na kami dito. Tawagan kita mamaya ah." paalam niya.

"Ingat Kelly. Love you."

"Love you too. Muah."

After our call ay agad ko namang tinawagan si Tris. Ilang beses nag ring bago ito nasagot.

"Hello." nagulat ako ng isang boses ng lalaki ang narinig.

"Hello, where's Tris?" tanong ko. "Who are you?"

"Oh, sorry Roshan ikaw pala. Tris's still fast asleep. I tell her you called pagkagising niya. It's Elios by the way." he murmured huskily.

"Elios!" sigaw ko sa gulat. I forgot they were together? "Sige Elios, thank you. Pakisabi na lang sa kanya, we'll meet sa usual spot at lunchtime." dagdag ko bago ibinaba ang tawag.

So Tris is here? Magkasama sila ni Elios? Of course magkasama sila, kaya nga siya ang sumagot ng tawag.

Dahil nabagot na rin ako sa bahay ay nagpagdesisyunan kong maglinis. Hindi naman masyadong matrabaho dahil malinis ang lugar.

Nang natapos ay agad akong naligo at nagbihis.

Nailagay na pala ni Aiden ang mga damit ko sa closet niya. Pero teka? Nasaan ang damit niya?

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon