64

22.5K 496 130
                                    

"Ah!" sigaw ko at pinaghahampas si Tris. "Ang galing mong gaga ka!"

"Duh? Ako pa ba? Easy lang yan 'no." then she flips her hair.

"Galing galing mo Tris! Congrats! May CPA na akong frennie." saad ko at nagtatalon sa kanya.

"Top 3 huh? Di lang pala kay Elios ka nag top, pati sa board exam."

"Gaga ka!" aniya at pinaghahampas din ako. "Huwag mo ngang isama yan sa usapan." at umakto pa siyang nasusuka.

I laughed. "Punta raw ba si Kelly?" tanong ko, tinutukoy ang after party niya sa bahay nila. Her parents will throw her a grand celebration.

"Oo, pero baka dadaan lang daw kasi may pasok pa."

"Kelan kaya siya mag board?"

"Wala pa yata sa plano, she's still at her healing stage." sagot niya.

Months have passed and somehow everything is going smoothly, maliban na lang sa lovelife ni Tris. Kelly's still in the process of moving on after what happened. I think Aiden and her became closer after that.

Nagging maayos na rin kami ni Aiden. There are times when he borrows Neytiri from us. Kai's very understanding of that.

I always assured him of my feelings. Lalo na nung araw na sinagot ko siya.

Yes, kami na.

We became official on Neytiri's third birthday, two months ago.

"Kai, let's stop this." ani ko sa seryosong boses. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

"Neytiri, mommy said stop paying na." tinanggal niya ang anak sa playstation nito at inupo sa sofa.

"That's not what I meant Kai." halos matawa ako dahil sa maling akala niya, I tried to remain stoic as possible.

"What do you mean huh?" he said huskily.

"I want you to stop. Stop everything. We can just co-parent."

Nanlaki ang kanyang mata at dali daling nagtungo sa akin. He held my hand.

"Hey, did I do something wrong?" banayad niyang tanong ngunit ramdam ang takot sa boses.

"Stop courting me, Kai Zaccarius." saad ko at iniwaksi ang kanyang kamay.

Umiling siya. "May nagawa ba ako? Sorry, I'll be better next time. Ano bang ayaw mo? I'll change it. I'm very sorry if I ever did something you did not like." lumapit siya sa akin at muling hinawakan ang aking kamay.

"Ayoko ko lang. One day, nagising ako na ayoko na."

"Roshan....please." his eyes became red.

"Kai..."

"May ayaw ka ba sa akin? Tell me and I'll change it. Roshan, please." his tears dropped. "I can't lose you." yumakap siya sa akin, ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok nito.

"Minamadali ba kita? Sorry, kung ganun yung dating sayo. Hindi naman, kaya ko naman maghintay. I told you that before, kahit gaano katagal maghihintay ako." he cupped my face.

"Roshan...please." umiling siya. "Let's not stop this."

"So ayaw mo?" I raised my eyebrow.

"Ayoko ko." iling niya, halos mabali ang ulo.

"Ayoko mong maging tayo?" I crossed my arms and smirked.

"Huh?" naguguluhan niyang tanong.

"You can stop courting me and be my boyfriend already. Hmm. Pero mukhang ayaw mo so...."

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon