36

38.7K 808 990
                                    


"Ingat kayo mga anak! Balik kayo sa sunod ha, kasama niyo naman si baby!." maligayang wagayway ni Tita Patricia.

"Ingat, kuya, ate." saad ni Veronica.

"Maraming salamat po sa inyo!" sigaw ko.

Nilapitan naman ako ng nanay ni Aiden, she held my hands. Ngayon ko lang mas napagmasdan ang kanyang mukha.

Kamukha siya ni Veronica pero hindi ko makita ang pagkakahawig nila ni Aiden. Baka mas nagmana ito sa kanilang ama, o baka ay halo.

Mas matangkad ako sa kanya ng ilang pulgada. Veronica was tall, she was taller than me. 5'4 lang halos ang tangkad ko.

Aiden was tall too like her sister, he's almost 6'2.

"Anak, baka hindi kami makadalo sa gender reveal niyo sa susunod na buwan ah. Pasensya na. Mahal pa ang biyahe at malayo rin, mahiluhin pa naman itong si Veronica." sabay tawa niya.

"Okay lang po tita, babalitaan na lang po namin kayo." ngiti ko sa kanya.

"Ma, sabi ko naman sayo wag mong problemahin ang pamasahe, padadalhan kita." singit ni Aiden.

"Huwag na Javier, para na kay baby iyan. Sa binyag na lang o first birthday kami luluwas."

"Aasahan po namin iyan tita." I uttered.

"Basta ang hula ko lalaki ang anak niyo, for sure kamukha ni kuya yan." saad ni Veronica.

"Ay ako babae, ramdam ko Roshan, babae ang apo ko."

"Any gender is fine for us, susundan naman namin siya ng kapatid agad." pagbibiro ni Aiden na agad ko namang sinapak.

"Oh siya, mag-ingat kayo ha? At saka pala, si Caleb ay sasabay ata sa inyo?" ani ni tita Patricia na nagpakunot sa aking noo.

Caleb?

"Oo ma, daraanan namin mamaya. Sige na at mauna na kami."

Nang makasakay sa loob ng sasakyan ay nagpaalam muli kami sa kanyang pamilya.

"Ingat!" sigaw nila.

Nagsimula ng paandarin ni Aiden ang sasakyan, pagkatapos ng dalawang araw ay uuwi na kami.

I really enjoyed my stay here in his province, maaliwalas ang maginhawa. Province life is indeed refreshing.

"Sino si Caleb?" tanong ko.

"Bestfriend ko, kakauwi lang galing Australia, sasabay raw papuntang Maynila." sagot niya.

"Akala ko ang bestfriend mo ay si Tiffany?" I laughed.

"Gusto mo ba?"

"Hmp." I rolled my eyes

"Ito naman nagtatampo agad, mamaya ka sakin pag uwi." at kiniliti niya ako.

Gusto ko sanang itanong kung taga saan dito sina Kelly but I don't want to ruin the mood.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay ng bestfriend niya.

Bumaba si Aiden at sinalubong ang kaibigan. Nag fist bump sila at nagtawanan.

They probably missed each other so much, ang tagal rin ata nilang di nagkita.

Kung ako siguro ang mawalay ng matagal kina Kelly at Tris ay baka ma miss ko sila ng sobra. Baka araw araw akong nag ti-text or call sa kanila.

Nang matapos ang dalawa ay agad na silang pumasok.

"Ito na ba si Roshan?" tanong ng kaibigan. "Mas maganda pala sa personal."

"Salamat." I awkwardly responded.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon