26

42.1K 956 464
                                    


After our meeting, Kelly was eager to meet Aiden. Palagi niyang sinasabi na bibisita sila ni Tris dito.

Hindi naman ako agad pumayag dahil hindi ko rin naman iyon bahay, nakakahiya kay Aiden lalo na dahil nakikitira lang ako.

Mabuti na lang at simula na ng klase nila kaya't kahit papaano ay nabawasan ang pangungulit niya sa akin.

I also dropped out of my remaining classes. Sayang lang dahil last sem na ito ng 2nd year ko, pero ayos lang, babawi na lang ako sa susunod.

Maybe next time, I'll enroll in the course I really want to pursue.

Mga ilang linggo na rin ako dito sa puder ni Aiden. Mabait naman siya at binibigay ang mga kailangan ko. In return, kahit ayaw niya ay naglilinis ako ng bahay.

May isang beses nga na naglaba ako, pero pag-uwi niya ay pinagalitan niya lang ako. Siya na daw ang bahala doon.

Umiling na lang ako dahil gusto ko ring makatulong sa kanya.

Syempre dahil palamon at nakikitira ako sa bahay niya.

"I scheduled your check up tomorrow. You'll meet Doc. Pimentel." saad ni Aiden, isang gabi habang nakaupo kami sa sofa. I was watching tv while he was reading something.

"Bakit di na lang ikaw? Doctor ka naman?"

"I'm still a resident doctor. You'll be in good hands with your ob-gyn. I personally know her." sagot niya habang patuloy sa pagbabasa.

"What's your expertise ba? Surgery? Predia? Mahilig ka sa bata?"

"Obstetrics and gynecology."

"What's that?"

"Ob-gyn." maikli niyang ani.

"Seryoso? Bakit mo gusto yun? Teka, manyak ka ah. Sisilipan mo yung mga buntis!" lumayo ako sa kanya sabay takip sa katawan.

"Stop with your dirty thoughts." iling niya habang umaangat ang labi.

"Why did you choose that specialty? Gusto mo magpaanak?" kyuryosong tanong ko.

"I chose that because of my mother." sagot niya.

Oo nga pala, hindi ko pa nakikilala ang parents niya. Ilang linggo na kami magkasama ngunit ngayon lang niya ito nabanggit.

"What about her?"

"I've lost my supposed baby brother. Walang kaming perang pam-pacheck up. My mother was not entertained by doctors in our town, hanggang sa nakunan siya."

"Oh, I'm sorry about that."

"It's fine. It's all in the past." saad niya at bumalik sa pagbabasa.

"Pero hindi ba talaga pwedeng ikaw ang check up at magpa-anak sa akin? May alam ka naman sa ganon?" sunod sunod kong tanong.

Ibinaba niya ang kanyang libro at lumapit sa akin.

I tried to move away but he already caught my hands. He gently pushed me kaya naman napahiga ako.

He positioned himself on top of me.

"Hmm. Don't worry. I can check you out, if you want." he whispered huskily in my ears.

Agad ko naman siyang itinulak at tumakbo ako papunta sa kwarto. I heard his roaring laugh outside.

Damn! Bastos!

Humiga na lamang ako sa kama at natulog.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil nakaramdam ng gutom.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon