Chapter 2

540 34 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

“Nyahahahahahaha!” tawa ni Sanshin.

Kanina pa 'yan tawa nang tawa simula nung ikwento ko sakanya yung nangyare kaninang umaga.

“Hoy tumunong ka na daw, gari ka na jan bua” Suway ko sakanya. (Hoy tumigil ka na nga jan, para kang baliw Jan)

“Pft. Kaya… hahahahahahahaha… pirang bulan pa sana nakaagi nung nakasapak ka ning lalake hahahahahahaha. Umiral na naman 'yan na pagkasalbahe mo hahahahahaha” tumatawa niyang Sabi. (Pft. Kase… hahahahahahahaha… ilang buwan pa lang ang nakalipas simula ng makasapak ka ng lalake hahahahahahahaha.)

Napailing-iling na lang ako saka inilagay sa paper bag nung binili ng costumer.

“Baga kaya budoy ako daw gusto niya. Like duh ano siya gold, 'di porket gwapo siya mapatol ako saiya. Like duh!” Sabi ko. (Para kasing shunga, ako raw gusto niya. Like duh ano siya gold, 'di porket gwapo siya papatol ako sakanya. Like duh!) “Ma’am eto na po” nakangiting sabi ko saka inabot sakanya yung paper bag.

“Salamat. Keep the change na lang iha.” nakangiting sabi niya.

“Hala thank you po. Ingat po kayo” Sabi ko at tinanaw siya palabas.

“Pft. Hahahahahaha ano pa nga ba, Bejay is Bejay” Sabi niya at nilabas yung cellphone. “Arat ML” Yaya niya.

“Teka sarado ko muna” Sabi ko at nilagyan ng ‘close’ yung sa may pintuan at sinarado din yung mga bintana. Tanghali na din naman. “Isang game lang tapos kakain na tayo ng pananghalian” Sabi ko at nilabas na din yung phone ko.

“Oyy taas ng rank ng isang 'to ahh. Magkasing level lang kayo” pansin niya doon sa isang team mate namen.

Tinignan ko naman yung pangalan. Efren Lleva PH? Nagkibit balikat lang ako at naglaro na lang.

“You slay an enemy!”

“Double kill!”

“Triple kill!”

Sabi nung babae sa laro.

“Ss na Sanshin” Sabi ko at ginawa naman niya.

Ilang minuto lang ang itinagal namen sa paglalaro at…

“Victory!” sabay nameng sabi at nag-apir pa.

“Naks MVP. Ba't hindi ka kaya mag-stream?” Sabi niya.

“'Yoko. Libangan ko lang naman 'to, hanggang doon lang. Arat na” Sabi ko at naunang lumabas. “Ohh lock mo!” Sigaw ko at itinapon sakanya yung susi.

Nauna na ako dito sa karenderya at doon kami kumain.

*Ting*

Rinig kong tunog nung cellphone ko kaya tinignan ko. Nag-notif si Facebook kaya tinignan ko naman, pero napakunot naman ang noo ko ng makita 'yon kaya binitawan ko muna yung kutsarang hawak ko.

Tinignan ko kung sino ang may saltik sa utak ang nag nagcomment sa post ko last last week. Wala namang picture ang profile at wala din ni isang post pero active. Eto yung nasa comment niya tungkol sa rank ko sa ML.

‘What a loser. Dirty player!'

Sabing ganon. Aba! Nahurt ako doon? Pinindot ko yung message at agad na nagpadala ng message sakanya.

“Problema mo?” Chat ko at pinindot yung send.

Sended...

Seen.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now