Chapter 34

127 6 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

"Welcome to Bambusetum Park mga lods!!" Masigla kong sabi habang parehas pang nakaunat ang mga braso ko.

"Saan nga eto ulit Lola Bejay?" Tanong ni Efren habang hawak ang stick holder ng cellphone niya kaya itinaas ko naman ang gilid ng labi ko.

"Ohh kita mo na, hindi mo pala alam kung nasaan tayo" sabi ko.

"Ehh sa hindi mo naman kasi sinasabi saaken, paano ko malalaman hahaha" natatawang sabi niya.

"Kapay! Sa mga sign pa lang sa nadaanan naten makikita mo na kung nasaan tayo, duling ka lang ha?" Sabi ko.

"Ohh, ohh hahahahaha high blood ka na naman. Mamaya atakihin ka sa puso niyan diretso ka ng hospital niyan– aray! Hahahahahaha sasabihin mo na lang kasi kung nasaan tayo" sabi niya kaya kinurot ko naman yung braso niya.

Tinarayan ko naman siya bago ngumiti ulit sa harap ng camera.

"Andito tayo ngayon sa Ligao kung saan ipapasyal ko kayo dito sa Bambusetum Park, ngayon na mismo!" Excited kong sabi.

"Ilang beses ka na ba nakapunta dito?" Tanong saaken ni Ren Ren.

"Tatlo? Lima? Ewan hahahahaha hindi ko na tanda" sabi ko.

"Mukha ka pang mas excited saaken pumasok ehh hahaha" sabi niya.

"Ehh bakit ba? Yung mga last na punta ko dito ehh mga one year ago na ata 'yon" sagot ko naman.

"So dapat pala every year kang pumupunta dito? Ibang klase ka talaga hahahaha"

"Hoy! Hindi naman! Ang sama neto tara na nga" sabi ko bago ko tinulak ang likod niya papasok.

"Mauna ka hahahaha baka mamaya maligaw ako" sabi niya kaya nahampas ko siya sa braso.

"Sa kalakihan at katandaan mong 'yan maliligaw ka? Kung maligaw ka man bahala ka na umuwi mag-isa mo" biro ko.

"Hindi mo ko hahanapin?" Tanong niya.

"Hindi bahala ka sa buhay mo, malaki ka na hahahahaha ops! Teka lang! 'Wag ka masyadong magalaw maglakad hoy!" Sabi ko at napakapit ng maayos sa railings netong bridge na gawa sa bamboo.

"Hahahahaha bakit takot ka mahulog?" Natatawang tanong niya at humakbang siya ng isa dahilan para medyo gumalaw ang tulay.

"Sasampalin talaga kita jan Ren Ren ha! Umayos ka takot ako mahulog! Walang pupulot saaken jan sa baba ihh ang taas jusmiyo marimar" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sasaluhin naman kita kaya 'wag kang matakot mahulog" makahulugan niyang sabi kaya tinawanan ko lang siya.

"Ha. Ha. Ha. Hambalusin kita jan makuha mo." sabi ko at sa wakas nakatawid na kami.

Pagpasok na pagpasok namen sinalubong agad kami ng napakasarap na hangin at agad ko namang inilibot ang mata ko sa paligid.

"Wala ata masyadong tao dito Lola Bejay?" Nagtatakang sabi ni Ren Ren.

"Ehh kasi po kapag december dumadating at dumadayo dito ang mga tao. Kapag december kasi may mga santo 'yan jan at may malaking christmas tree doon sa malawak na space doon sa dulo, mamaya ipakita ko sa 'yo. At mas maganda pumunta dito kapag gabi kasi mailaw pero maganda rin kapag umaga hahahaha" paliwanag ko.

"Ang lalago ng mga kawayan, pwede ba pumutol ng isa jan?"

"Hahahahaha abnormal ka, sige nga try mo pumutol kung hindi ka jan pagalitang ng may-ari. Kaloka ka" natatawa kong sabi.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now