Chapter 43

86 5 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

Nalibot ko na ang buong airport pero wala akong nakikita na Efren at ganon din sina kuya kaya napaupo na lang ako upuan saka ko tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko dahil tuluyan na nga akong umiyak. Ilang oras din kami naglibot pero wala talaga.

Hindi man lang kita nakita bago ka umalis.

"Ohh? Ate! Si Kuya Efren!" Sigaw ni Riner kaya napatayo ako bigla at tinignan yung itinuro niya.

Nanlalabo man ang mata ko dahil sa luha ko, malinaw na maliwa kong nakita ang mukha ni Efren kaya napatakbo ako papalapit sakanya at mukhang nagulat din siya na makita ako kaya napahinto siya sa paglalakad.

Yumakap ako sakanya ng sobrang higpit at muntik pa kaming matumba pero mabuti na lang at nasa likod niya si Kian.

"Aalis ka na? Bakit? Babalik ka pa ba?" Umiiyak kong sabi habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik bago niya hinaplos ang buhok ko.

"Alam mo bang masama ang loob ko sa 'yo ha! Tapos sasabihin mo saaken aalis ka? Babalik ka naman diba?" Patuloy ko.

"I'm back daba ko" pabulong niyang sabi saaken kaya tiningala ko siya at nakangiti pa ang loko.

"Huh?" Naguguluhan kong sabi.

"I'll explain it to you later daba ko ha, for now let's go home, you look like a mess and also your brothers" natatawa niyang sabi kaya ngayon ko lang naalala na nakapangtulog kaming tatlo kaya nahiya ako bigla at sumiksik sakanya. "Hahahaha let's go" sabi niya at nagulat ako ng buhatin niya ako.

"Hindi ka aalis kuya?" Tanong sakanya ni Rainer.

"No. She misinterpreted my voicemail" sagot niya pero nanahimik na lang ako dahil nakakahiya sa dalawa kong kapatid na makita nila akong buhat ni Efren.

"Ahh ikaw naman kasi ate napaka OA mo, umiiyak pa 'yan kagabi alam mo ba kuya? Pag-uwi umiiyak di mo raw sinipot" pang bubuking saaken ni Reiner.

Bwisit ka!

"I'm sorry for that. I'll explain it to her later, pwede ko muna mahiram ang kapatid ninyo?" Paalam niya. "I won't do anything to her, we're just going to talk" sabi niya pa kaya napatingin ako kay kuya.

"Kahit 'wag mo na iuwi, patulugin mo na 'yan doon sa hotel, may tiwala ako sa 'yo bayaw." Sabi ni kuya.

Aba't.

"Thank you" sabi naman ni gago bago kami pumasok sa sasakyan ni kuya.

Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe at napansin ko naman na malalim ang iniisip ni Efren kaya tinitigan ko lang siya bago ko hinawakan ang braso niya kaya tumingin siya saaken.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kaya ngumiti namab siya saaken bago tumango.

Pwede mo akong mapeke niyang ngiti mo pero hindi ng mata mo.

Dumating kami sa hotel at umuwi na sina kuya at ako pa ang binalaan na umayos. Sabay-sabay naman kaming tatlo nina Kian tumaas at tahimik lang silang dalawa kaya nanahimik na lang din ako hanggang sa makapasok kami ni Efren sa room niya.

Tinitigan ko lang siya ng makapasok ako,  nasa may pintuan pa rin ako at pinagmamasdan ang bawat galaw niya.

"Hey what are you doing there?" Tanong niya at bumalik para hilahin ako pero hindi ako nagpahila.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now