Chapter 30

142 13 0
                                    

Dedicated to Frosty_Queen_SazzySomniator_lux09 atengkyky1

❃❃❃

BEJAY POV

"Nandito na tayo Lola Bejay" sabi ni Efren kaya minulat ko naman ang mata ko at umalis mula sa pagkakasandal sa braso niya.

Ipinikit ko lang sandali ang mata ko dahil nakaramdam ulit ako nang pagkahilo. Inalalayan niya ulit ako papasok hanggang sa makapasok kami nang hotel at rinig ko ang pagpapaliwanag nang receptionists at manager namen at kita ko din ang isang lalake na nakatayo sa harapan nila.

"Anong nangyare? Anong meron?" Agaw ko sa atensyon nilang lahat.

"Ma'am" sabay-sabay nilang bati saaken at kita ko din ang pag-aalala sa mukha nila.

"Ma'am ayos ka lang po ba? Kami na po ang–"

"Ano ang problema?" Tanong ko sa manager netong hotel saka tumingin doon sa lalake.

"So you're the owner?" Nakangisi niyang tanong saaken bago lumapit papunta sa pwesto ko.

"I'm just the daughter of the owner, so what is the problem sir?" Magalang kong sabi at naramdaman ko naman na mas hinigpitan ni Efren ang pagkakahawak sa bewang ko dahil nahihilo talaga ako at anytime pwede akong bumagsak.

"There's an–"

"Let's talk about it in private sir" putol ko sa sasabihin niya nang mapansin na napapatingin ang ibang tao dito sa loob ng hotel.

"Sure" sabi niya habang nakangisi pa rin kaya tumingin ako sa manager ng hotel namen bago ako tumango sakanya saka niya kami sinundan papuntang office nina mama.

Naiwan sina Sanshin sa labas pero nanatili si Efren sa tabi ko hanggang sa makaupo ako at tumayo lang siya sa may gilid ko saka ako tumingin ako doon sa lalake.

"What is he doing here?" Tanong niya habang nakatingiin kay Efren.

"What is the problem sir?" Tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya.

Umayos naman siya nang upo bago ngumiti saaken.

"I just want to see you" sagot niya at inabot ang kamay ko na nakapatong sa lamesa saka hinawakan 'yon kaya agad ko naman binawi ang kamay ko at nagulat ako nang hawakan ni Efren ang palapulsuhan nung lalake kaya nagkatinginan kaming apat dito sa loob bago ako tumikhim.

"What a pathetic reason" rinig kong bulong na sabi ni Efren kaya palihim ko siyang pinalo pero nagulat ako ng legs niya ang matamaan ko pero nagsalita na lang ulit ako.

"I'm sorry sir, but I'm not joking around, so what is the main problem at gumawa ka pa nang eksena sa labas?" May pagkamaldita kong tanong.

"I told you, I want to see you" seryoso niyang sagot kaya ngumisi ako bago ulit sumeryoso ang mukha.

"So sinasabi mo gumawa ka nang eksena para makita ako ganon ba? At ano ang dahilan sir?"

"Oww don't call me sir, matanda lang ako sa 'yo ng tatlong taon" nakangiti niyang sabi.

"You're our guest here and I'm just showing my respect–"

"Oww don't do that, don't hahahaha just call me Nico" putol niya sa sinasabi ko kaya napahawak naman ako nang mahigpit sa inuupuan ko dahil nahihilo na ako ng husto at gusto ko na mahiga.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now