SPECIAL CHAPTER

314 14 0
                                    

❃❃❃

EFREN POV

Ilang buwan na simula nung bumalik saamen si Bejay at heto, she's still recovering and ako ang nahihirapan sakanya bawat hakbang na gagawin niya. Iniwan ko muna siya kasama ang doctor na pumupunta dito saamen para kumuha ng meryenda.

*Blaggg!*

"What the" gulat kong sabi kaya nabitawan ko ang kutsilyo at apple na hawak ko bago tumakbo papunta sa sala at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang nasa sahig si Bejay.

"Yah, what are you doing?" Nag-aalala kong sabi at inalalayan siyang tumayo.

"Ahh" daing niya ng dahan-dahan ulit siyang tumayo.

"Are you ok? Maupo ka lang kasi, where's your doctor? Sinabi na kapag tatayo ka tawagin mo ako ehh, does it hurt?" Sunod-sunod kong tanong at bubuhatin na sana siya para paupuin siya a sofa ng pigilan niya ako.

"I'm ok. Kaya ko 'to, hindi magiging maayos ang paa ko kapag hindi ko pinursige 'to. May kinuha lang siya sa kotse niya." sabi niya kahit na bakas sa mukha niya ang sakit kaya napapangiwi din ako dahil pakiramdam ko ako yung lalong mababalian sa bawat hakbang na ginagawa niya.

"Slowly" paalala ko sakanya at binitawan siya pero nakaalalay pa rin ako sa likod niya. "Slowly daba ko, slowly. You don't need to rush it" paalala ko sakanya.

Nahinto siya ng pag-aaral at alam kong nag-aalala siya, at hindi niya man sabihin pero alam kong gustong-gusto niya ng makalakad ulit.

"Whaaaa! Nagagawa ko... Efren nagagawa ko!" Sabi niya at bakas sa boses niya ang saya at excited. "Nakakalakad na ako! I'm doing it!" Sabi niya pa sabay harap saaken at kitang-kita ko kung gaano kalapad ang ngiti niya kaya napangiti naman ako.

Pero agad din ako napatakbo papalapit sakanya ng ma out balance siya kaya mabilis kong sinalo ang likod niya gamit ang kamay ko at ang isa naman ay nakapulupot sa bewang niya.

"You're doing it daba ko, I'm so happy for you!" Masaya kong sabi sabay pisil sa ilong niya. "But you still need to rest at dahan-dahan ang pagrecover ng paa mo hmm?" Sabi ko.

"You're right my dear brother" biglang pasok ni Paolo, ang doctor ni Bejay. "Ate Bejay–"

"Bejay lang sabi" sabi sakanya ni Bejay bago ako tinignan ng masama.
"Sabi mo mas matanda sila saaken?" Kunot noo niyang sabi.

"Oo nga–"

*Pak*

"Abnormal ka!" Singhal niya saaken kaya tumawa ako. "'Wag ka na mag ate saaken jusme, etong kuya mo may saltik talaga sa ulo ano?" Kausap niya kay Paolo.

"Oo nga kaso kasi mas matanda ka pa tignan saaken ehh" sabi ni Paolo kaya napatingin naman si Bejay saaken ng nakangiwi kaya tumawa ako at pinisil ang dalawang pisngi niya.

"Magkapatid nga kayo tch, buhatin mo ako! Nagugutom na ako dali!" Utos niya kaya tumindig naman ako ng maayos saka sumaludo sakanya.

"Masusunod daba ko" sabi ko sabay halik sa labi niya.

"Single here, libre maingit pero eto may pang injection ako baka gusto niyong saksakin ko kayo?" Sarkastikong sabi ni Paolo kaya sabay kaming natawa ni Bejay.

Weeks passed at nakakalakad na nga ng maaayos si Bejay at balak niya nang pumasok sa university this incoming school year. Hindi ko na siya nilubayan at pinilit ko talagang doon na siya sa bahay ko tumira, ayaw pa nung una pero napilit ko pa din.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now