Chapter 32

133 14 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

Matapos ang ilang minutong kakatawa ko, hinampas ko ng malakas si Efren sa balikat bago nagsalita.

"Ayusin mo na kasi pft, ako pa ang lumalabas na nanliligaw sa 'yo. Ano ka ginto?" Natatawa kong sabi at umayos ulit ng upo at tumingin kay mama.

"'Nak bawasan ang pagiging sadista minsan ha." Sabi saaken ni papa kaya sinimangutan ko lang siya.

"So Efren, gusto mong ligawan ang anak namen hindi ba?" Seryosong tanong ni mama.

"Yes po" diretsong sagot niya.

Naks matapang yarn?

Suminghap naman si papa bagp nilagay ang kamay sa baba niya na parang nag-iisip. "Alam mo bang ikaw lang ang naiharap saamen ni Bejay ng maayos sa lahat ng mga manliligaw niya noon?" Sabi niya kaya tumingin saaken ni Efren kaya itinaas ko ang dalawang kilay ko para sabihing agree ako kay papa.

"I didn't know that sir" nahihiya niyang sabi.

"Pft hahahahaha oo nga naman papa pft hahahahaha. Hoy bakit napaka joker mo ngayon!?" Natatawa ko na namang sabi.

"Kinakabahan ako Bejay," parang nagmamakaawa niyang sabi saaken pero tinawanan ko lang siya.

"Hahaha that's ok Efren, and just call us tito and tita hmmm." Nakangiting sabi ni papa kaya ako naman uminom ng kape. "But meron lang kaming mga habilin sa 'yo ha, pinapayagan ka nameng ligawan si Bejay but... alam mo namang nag-iisang anak nameng babae 'yan. Ayaw na ayaw ko na nakikita siyang nahihirapan at umiiyak ha, I know na hindi na namen siya pwedeng pagbawalan sa mga gusto niyang gawin sa buhay kasi hindi na siya bata. Gustohin ko man na manatili siyang prinsesa namen pero darating at darating ang panahon na kailangan niya nang bumuo ng sarili niyang pamilya. Just... just take care of our little princess and treat her like we did huh." Mahabang sabu ni papa kaya habang umiinom napapatulala na lang ako sa lamesa dahil sa mga sinabi niya.

I never heard him say like that, yah maraming pagkakataon na sinasabi niya saaken na mahal niya ako at mananatiling ako ang nag-iisang prinsesa niya pero nakaka touch lang na marinig 'yon ngayon sakanya.

"Ha-ha-ha. Si papa naman akala mo naman ikakasal na ako, ehh liligawan pa lang naman ehh" basag ko sa seryosong aura dito sa loob saka ko ibinaba ang kape ko sa lamesa.

"Ikaw talagang bata ka. Halos nagkamali-mali na nga si Efren kanina tawa ka nang tawa, ni hindi ka man lang kinabahan ha?" Sabi ni mama kaya tumawa ulit ako.

"Si mama naman, diba sabi ko sainyo lahat ng gustong manligaw saaken dadalhin ko sainyo. Sila ang dapat kabahan hindi ako kasi sila ang manliligaw hindi ako– ahhh! Ma aray ko!" Daing ko nang paluin ni mama ang kamay ko ng sobrang lakas. "Mama naman ehh and lakas nun ahh!" Reklamo ko saka hinimas-himas ang kamay ko.

Narinig ko naman na tumawa si Efren kaya tinignan ko siya ng masama.

"Anong tinatawa-tawa mo jan ha!? Sinong nagsabi na tumawa ka ha– whaaaaa mama! Joke lang ehh! Ma! Pa pigilan mo si mama!" Sabi ko at napatalon mula sa pagkakaupo ko at tumakbo papunta sa may pintuan.

"Nagmana ka talaga sa nanay mo" iling-iling na sabi ni papa.

"Hoy! Efren! Ano ba tulungan mo ako–whaaaa mama!!!" Takbo ko palabas at pumasok nang elevator pero nakasunod pa si mama saaken kaya dali-dali kong pinindot ang second floor.

EFREN POV

Natawa naman akong panoorin ang mag-ina na nagpapatentero sa may elevator. Nasa may pintuan si tita at nasa loob si Bejay.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now