Chapter 51

184 6 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

Magsasalita na sana ako ng biglang hablutin ni tita ang buhok ko papalapit sakanya at bigla niyang tinutukan ng kutsilyo ang leeg ko kaya nataranta at nagulang silang lahat.

"Huwag!" Sigaw ni mama kaya napahagulgol na siya. "Huwag Lilet, walang kasalanan ang bata please" sabi niya.

"Tutuluyan ko na ang isang 'to kapag lumapit kayo! Subukan niyo!" Sigaw niya at sa pagkakataon na tinutok niya sa harapan ang kutsilyo agad ko naman hinawakan ang braso niya at pinilipit 'yon saka siya tinulak palayo saaken at tatakas na sana ng biglang may baril na tumutok sa ulo ko.

"Sumama ka na kapatid ko. Nagtataka kung bakit iba na ang mukha ko?" Sabi niya at bigla niya inalis ang parang maskarang suot niya na parang natanggal ang mukha niya dahil sa ginawa niya bago ko tuluyang nakita ang mukha niya.

"There, we're twin after all" nakangisi niyang sabi at masasabi ko nga talaga magkamukhang-magkamukha kami.

"Walang lalapit!" Sabi ni tita at sinabunutan ang buhok ko habang hila-hila ako palayo.

Umiiyak naman akong umiling sa harap ng pamilya ko bago nila ako tuluyang kinuha at pinatulog sa pamamagitan ng pagtusok nila ng isang injection sa balikat ko.

EFREN POV

Natataranta naman kaming lahat ng mawala na silang tatlo sa paningin namen. Yung mga kinuwento ni Bejay... Wala pa rin akong maalala at hindi ko pa rin matandaan pero ramdam ko yung sakit na kinikimkim niya.

"It's not her fault" sambit ko.

Bigla naman kaming napatingin sa harapan ng biglang may dumating na sasakyan.

"Kuya!" Sigaw ni Paolo ng makalabas sa sasakyan kaya nanlaki ang mata ko nang makita ko sila dito.

"Paolo? Daddy? Mom?" Nagtatakang sabi ko at sinalubong naman nila ako ng yakap. "What are you doing here? I-i though–"

"No. That's just an act anak, Benleen. She's not your enemy" sabi ni papa.

"A-anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang sabi ni tita bago hinawakan sa balikat si mommy. "Hindi ko maintindihan" sabi niya ulit.

"Kumalma ka muna, kumalma kayong lahat. Ibabalik niya saaten si Bejay" sabi ni mommy at pinaupo si tita.

Bigla namang may dumating na mga police car kaya doon namen naituon ang pansin namen pero ang kuya na ni Bejay ang kumausap sakanila.

"Anong ibig ninyong sabihin?" Tanong ni tito kina mommy at kahit pati ako naguguluhan.

"The day Benleen appears infront of our company, she said that kailangan nameng pumayag na ipakasal sakanya si Efren, hindi kami pumayag sa una but nabanggit niya si Bejay. She knows that Bejay will do everything once na nalaman ni Bejay ang tungkol sa kumapanya namen and kahit ayaw kong sundin yung pinapagawa niyang saktan ko ang anak niyo ginawa ko para sa pinaplano niya" sabi ni daddy.

"Anong ginawa mo kay Bejay!?" Gulat na tanong ni tito.

"I'm sorry, I-i slap her." Nakokonsensyang sabi ni daddy.

"Wala tayong oras para jan. And then what?" Tanong ulit ni tita.

"She planned everything, pinag-away niya si Bejay at Efen dahil 'yon ang utos ni Lilet at wala siyang nagawa kundi ang gawin 'yon para mailigtas ang kambal niya. All this year she's been watching his twin sister, lahat ng mga sinabi niya ay kasinungaling, at lahat 'yon ay utos ni Lilet sakanya. She said it to us and sabi niya sabihin namen sainyo dahil baka hindi na siya makabalik pa." Malungkot na sabi ni mommy kaya humagulgol naman bigla si tita.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now