Chapter 6

288 29 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

"Salamat" sabi ko pagdating namen sa harap ng university bago ko sinarado yung pinto ng kotse niya saka naglakad na papasok.

Ala una trenta na kaya kahit naiinis ako sa taong 'yon hindi na lang ako nagsalita dahil mabibwisit lang ako lalo. Dumiretso na lang ako sa classroom para kunin yung bag ko at naglakad ulit palabas ng university.

Humikab naman ako habang naglalakad, inaantok ako! Kailangan ko ng tulog. Tamad naman akong naglalakad kasabay ang mga iilang estudyante na palabas na din, pagdating sa labas pumunta naman ako doon sa waiting shade para mag antay ng masasakyan pauwi.

*Beep*

Nagulat naman ako ng biglang may bumusinang kotse sa tapat ko kaya maglalakad na sana ako palayo dahil nakaharang siya sa hihintuan ng jeep ng sundan niya ako.

"Hey" tawag niya saaken ng ibaba niya yung bintana kaya tinanaw ko naman kung sino yun. "Get in" sabi niya pa kaya lumapit ako sa may pintuan.

"Bakit na naman ba?" Bored kong tanong.

"I'll drive you home" sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Ayaw mo?" Tanong niya kaya mabilis kong binuksan yung pinto at umupo na.

"Alam mo yung B and J hotel?" Tanong ko at tumango naman siya. "Doon mo na lang ako ihinto" sabi ko saka sumandal sa upuan bago pumikit, at dahil sa music na naka play hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

EFREN POV

"Hey" tawag ko sakanya pero hindi sumasagot.

Sinundot ko naman siya sa balikat niya pero hindi naman lumingon at napansin ko namang dumadaosdos na ang ulo niya pagilid kaya inihinto ko muna sa gilid ang sasakyan, tinanggal ko muna yung seatbelt ko and I adjust the seat pahiga at inalis ko rin yung buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

Hindi ko na tinanggal yung yakap niyang bag dahil baka magising. Napatitig naman ako sa mukha niya ng matagal, napagod ata kakakain hahahahahaha. She ate all the one bucket of fries, she's unbelievable. Pero hindi na rin siya naka attend ng class dahil saaken kaya naisipan kong hintayin na siya lumabas ulit para ihatid na lang para patas na kami.

Bigla naman akong napaisip, ang bilis niya namang pumasok sa sasakyan pagkasabi kong ayaw mo, hindi man lang siya nagdalawang isip na baka kung saan ko siya dalhin o baka may masama akong gawin sakanya. Ohh well, wala naman 'yon sa isip ko tsaka hindi ko naman papatulan ang gaya niya.

Kinuha ko na lang yung kumot ko sa likod at nilagay 'yon sa katawan niya dahil nakapalda siyang maikli. Nagmaneho na ulit ako papunta doon sa hotel na sinabi niyang tinutuluyan ko din ngayon, ano naman kaya gagawin niya doon? Aww nevermind she's not my business.

Pagdating sa parking lot ng hotel, tinanggal ko naman yung seatbelt ko at tinignan 'tong katabi ko, tulog na tulog pa rin siya. Anong gagawin ko sakanya? Gisingin ko na ba? Pero mukhang inaantok pa 'to at mukhang pagod talaga.

Ano kaya kung dalhin ko siya sa room ko? Ahh no no no no no no bad idea, super bad idea. But dadalhin ko lang naman siya doon para makatulog ng maayos alangan naman iwan ko na lang siya dito baka mawala, ako pa may kasalanan.

Aishhh! Why do I even care of thinking about that, I should wake her up.

"Hey wake up, nandito na tayo" yugyog ko sakanya sa balikat.

Agad naman siyang nagising bago kinapakapa yung hinihigaan niya saka nagmulat ang kanan niyang mata, napaupo naman ako ng maayos ng bigla siyang maupo pero napahiga ulit dahil nakahiga pa yung upuan at nakaseatbelt pa siya kaya inayos ko naman yung upuan at ibinalik sa dati.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now