Chapter 22

170 18 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

Habang tuwang-tuwa akong pinapakita sa harap ng camera ang picture ni Efren habang tumatalon-talon pa kasi hinaharangan niya ang camera, abala naman siya sa pagkalikot sa isa niya pang phone.

"Gusto mong maglaro ha, sige papatulan kita" sabi niya saka biglang humarap sa camera. "At eto rin mga lods ang picture ni Lola Bejay noong bata" sabi niya kaya nanlaki ang mata ko kaya naglakad ako papunta sa gilid niya sako ko dinungaw ang hawak niya.

"Hoy! Biro lang ehh hahahaha itago mo na 'yan" pigil ko kay Efren at tinakpan yung cellphone niya ng frame kung saan nandoon yung picture niya. "Yah Kian! Tulungan mo ako dito hoy!" Sabi ko kay Kian pero tawang-tawa lang din siya.

"Pango ka rin noon at mukhang bangkay at lumaking Lola Bejay hahahahaha look at your face, ang mukha mo parang pinabayaan ng jowa hahahaha" sabi niya at itinaas pa yung phone niya para hindi ko maabot.

"Patingin" sabi ko at tumigil sa kakaabot nung kamay niya bago ko tiningala yung picture ko sa cellphone niya. "Oo nga ano? Ang pangit ng bibig ko jan tsaka kulang na lang mawalan ako ng buto hahahaha" sabi ko at mas lalo siyang natawa kaya binatukan ko siya.

"Inamin mo din hahahaha may saltik ka din talaga sa utak" sabi niya at binaba na yung phone niya.

"Tuwang-tuwa ha? Lika na nga dito sa kusina hahahaha" savi ko at nagpatuloy na kami.

Sinunod namen yung garden namen at yung kwarto ko pagkatapos, hindi namen nilibot lahat kasi baka mamaya hahaha may magtangkang pumasok hahahahaha.

"Wow naman ang linis ohh saan mo tinago lahat ng basura mo dito?" Tanong niya saaken.

"Tinapon ko jan sa bintana hahaha charot! Syempre sa basurahan" sabi ko.

"Napapaghalataang matakaw ka talaga 'no?" Lingon niya saaken at tinuro yung nakadikit kong picture sa pader na hawak ang isang corneto.

"Hahahaha ganyan talaga kapag maganda,  matakaw hahaha" sabi ko saka tumabi sakanya.

"Itutok mo dito Kian hahahaha pwede ng pang commercial ng Jollibee ahh hahaha talagang ginalingan mo yung pagkagat sa manok ano?" Natatawa niyang sabi kaya natawa na lang din ako.

"Ehh ang demonyo kong kapatid, kinuhan ba naman ako ng picture ehh hindi pa nga ako ready" sabi ko.

"Abnormal ka talaga ano? Ano naman madalas mong gawin dito?" Tanong niya.

"Humiga, matukog, maglaro ng ML, mag-study, mag muni-muni at kung ano pa" sagot ko naman na ikinatawa niya ng mahina.

"Ano laman neto?" Tanong niya saka binuksan yung cabinet ko.

"Hoy! Wag 'yan–"

"Hahahahahahaha" tawa niya ng tuluyang mabuksan yung cabinet at makita yung laman.

"Whaaa Ren Ren naman ehh pinapahiya mo na ako ehh" sabi ko.

"Hahahaha bakit? Masama bang magtago ng napakaraming pagkain sa loob ng cabinet? Hahahahahahaha amina yung phone" sabi niya kaya binigay naman ni Kian yung cellphone. "Ibang klase, nauubos mo teong lahat?" Tanong niya.

"Hmm pero hindi naman araw-araw ako umuubos niyan, si Sanshin din kapag dito nakikitulog at tumatambay" sabi ko at kinuha yung isang chichirya pero inagaw niya saaken 'yon.

"Kumain ka kahapon?" Tanong niya patungkol doon sa chichirya.

"Hindi wala ako dito sa bahay maghapon" sagot ko kaya ibinalik niya naman saaken yung chichirya.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now