Chapter 40

119 5 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

"And for today's video mga lods papanhik ako ng niyog, hahahahaha charot!" Sabi ko sa harap ng camera.

Nakaalis na si Nico at nagpaalam na lang siya kay lolo kasi tumawag na daw yung nanay kaya umuwi na. Wala naman sanang akong pake pero may binigay saaken si lolo na isang maliit na bracelet, pinapabigay daw ni Nico kaya nagtaka ako.

Hindi naman kasya sa kamay ko kasi maliit nga, at naisip ko na baka pwede isabit sa bag 'to. Pero nagtataka lang ako kung bakit niya binigay saaken 'yon pero tinago ko na lang doon sa dalang bag ko.

"Ayy yakang-yaka 'yan ni Bejay" sabi ni Sanshin.

"Hoy! Hahahahahaha hindi ahh ipapahamak mo pa ako. Pero mga lods hindi man ako marunong pumanhik ng niyog' marunong naman akong magbalat ng niyog, yung bunot ng niyog gamit ang perno o ang sundang." Sabi ko.

"Weee di nga Lola Bejay?" Sabi ni Ren Ren at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo! Aysos ako pa ba, paabot ako niyang sarong, pero sundang talaga ang tawag namen jan hahahhaha o kaya bolo." sabi ko kaya inabot naman saaken ni Sanshin 'yon.

"Masugatan ka hoy! 'wag mo na gawin" awat ni Efren saaken.

"'Wag ka lalapit kung ayaw mong masaktan hahahaha. Hindi ako masusugatan ok, chillax tinatawag mo akong lola diba kaya alam ko kung paano 'to gawin, sa tagal ba naman ng taon na nabubuhay ako." Biro ko pero inirapan niya lang ako.

"I won't look, god! Hindi ka man lang natatakot humawak niyang bolo oww sheeeesss" sabi niya saka tumalikod saaken.

"Hahahahahaha para kang bakla jan" sabi ko at sinimulang balatan yung niyog.

Mabilis ko lang 'yon natapos at agad na itinapon sa tabi ng paa ni Efren ayung nabalatan ko kaya lumingon siya saaken kaya nagmamayabang akong tumingin sakanya.

"Takot sa talim" sabi ko sakanya at kinuha kay Sanshin yung inaabot niya saakeng niyog.

"Itatali na yan Bejay, tulungan na kita para mabilis matapos" sabi niya at kinuha rin yung isang itak.

"Itatali? Pano niyo itatali 'yan?" Nagtatakang tanong ni Kian kaya nagkatinginan naman kami ni Sanshin bago natawa.

"Lola Bejay, explain" sabi ni Sanshin saaken kaya ginawa ko naman.

"Una, syempre hahawakan mo yung itak hahaha" walang kwenta kong sabi. "Pangalawa, itutusok mo siya sa bunot netong niyog at babalatan ng maliit lang at manipis. Yung hindi sasagad masyadong yung pagkakatusok niyo then para ka lang din naman nagbubunot tapos hihilain pababa para mas humaba at maitali, tsaka isa pang niyog gawin niyo ulit yung ginawa ko kanina tsaka niyo itali." Paliwanag ko at pinakita sakanila yung nagawa ako.

"Ang galing ahh" sabi ni Kian.

"May I try?" Sabi ni Efren kaya binigay ko naman sakanya yung sundang.

"Dahan-dahan sa pagbalat, 'wag mo lakasan masyado baka madisgrasya ka" paalala ko at natatakot naman ako sa pagkakahawa niya ng itak kaya napapangiwi ako.

Nagawa niya naman at mukhang nag-enjoy ang buang kaya tinuloy-tuloy na kaya hinayaan ko na silang tatlo doon at pinuntahan ko naman si lolo.

"Ohh iha buti napunta ka dito, mabilis nateng natapos ang trabaho ngayon kaya uuwi na tayo mayamaya" sabi niya.

"Ayos ka lang lolo?" Tanong ko.

"Ayos lang iha, ano ka ba ang lakas-lakas ko kaya. Kaya ko pang ngang tumaas sa puno ng niyog ehh" natatawa niyang sabi.

My Probinsyana Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon