Chapter 7

283 22 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

Pagkarating ko sa coffee shop,  bumili ako ng dalawang latte at hindi naman nagtagal binigay na nila saaken yung inorder ko, lumabas ulit ako at pumunta doon sa karinderyang kinakainan ko tuwing tanghali kapag tinatamad akong umuwi.

"Ohh Bejay iha anong sa 'yo?" Tanong ni Aleng Niña.

"Turon po" nakangiting sabi ko at nilabas yung fifty pesos.

"Ilan iha?"

"Sa fifty po" sabi ko sabay abot nung bayad ko.

Five pesos lang ang turon dito, sulit at masarap talaga kaya eto ang paborito ko sa lugar na 'to ehh. Bukod sa payapa marami akong mapupuntahan dito kahit hindi ka na pumuntang mall.

"Eto na iha, salamat" sabi niya at inabot saaken yung plastic na laman yung turon.

Kinuha ko naman 'yon at naglakad na pabalik, nadaanan ko pa yung mga bata na patuloy na nagalalaro ng tumbang preso.

"Ate, sali ka saamen!" Yaya ni Dang.

"Sige ba! Pagkatapos kong magmeryenda" sabi ko.

"Yehey!" Tuwang-tuwa naman nilang sabi kaya napangiti naman ako bago pumasok ng shop namen.

"Magmeryenda muna tayo" alok ko kay Tin.

Lumabas naman siya ng counter at tinanggal yung pinipintahan ko at ibinalik doon sa loob ng kabinet. Nang maubos ko yung latte ko at dalawang turon lumabas na ako para makipaglaro sa mga bata.

"Ano game na?" Tanong ko sakanila at nagsilapitan naman sila saaken.

"Opo!" Masayang sabi ni Yael.

"Sige sige maiba taya tayo dali" sabi ko at inilahad ko yung kamay ko at pinatong naman nila yung kamay nila saaken.

"Maiba alis!" Sabay-sabay nameng sabi at kanya-kanya kaming lahad ng kamay.

"Alis kami!" Sigaw nung limang bata kaya tatlo na lang kami.

Ramdam kong ako ang taya.

"Maiba taya" sabi nameng tatlo at tama nga ako.

Ako ang taya kaya naman pinatayo ko na yung lata sa gitna ng bilog saka inilagay sa ibabaw yung tsinelas ko.

Wala naman masyadong nadaan na sasakyan dito kaya maayos lang na maglaro kami, naka jogging pants at t-shirt din ako kaya ayos lang na maglaro ako hahahahaha.

EFREN POV

While I was walking, drinking soda napatingin ako doon sa mga batang naglalaro kasama si Bejay kaya napatawa ako. Unbelievable.

Napahinto ako sandali at pinagmasdan sila. They're all playing happily, running around with a smile on their faces. Nakakatuwa makakita ng ganito, unlike manila wala akong makitang mga batang naglalaro ng ganito doon.

And somehow naalala ko nung bata pa ako, yung mga kaibigan kong bata noon ganitong-ganito ang nilalaro namen.

"Taya! Hahahahahaha" sabi ni Bejay ng abutin niya ang isang bata.

Tumawa naman yung bata at pumwesto sa tabi nung latang may tsinelas niya.

"Ate Bejay, ikaw na mauna" sabi nung isang pang cute na bata kaya napangiti ako. Ang cute na bata.

"Kayo na muna" sabi niya at tumango sakanila.

Tumira naman sila at ni isa walang nakatama sa lata kaya tinutok ko naman ang mata kay Bejay.

My Probinsyana Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon