Chapter 14

206 18 0
                                    

❃❃❃

EFREN POV

"Pwede muna kayong makausap?" Tanong nung kuya ni Bejay.

"Sige" sabi ko kaya lumayo kami ng konte sa sasakyan at mukhang seryoso ang sasabihin netong kuya ni Bejay.

"'Wag ninyong hahayaan yung dalawang 'yon gumala kung saan-saan na silang dalawa lang, parehas pa naman 'yan makulit. And please take care of my sisters tsaka kapag naiirita na kayo sa bibig niyang dalawa, lagyan niyo ng tape ang bibig, 'yon lang naman may tiwala naman ako sainyong dalawa" mahabang sabi niya kaya tumango naman kami bago siya tumalikod saamen saka kumatok doon sa bintana ng sasakyan kung nasaan sila Bejay.

He loves her sisters at kahit hindi niya naman kapatid si Sanshin tinuturing niya na din na kapatid, his a good brother.

"Ren may tape ka ba jan?" Tanong saaken ni Kian kaya napatingin ako sakanya.

"Wala bakit?" Tanong ko.

"Bakit wala? Teka bibili nga ako" sabi niya saka tumakbo doon sa malapit na tindahan.

Aanhin niya naman 'yon? Napailing na lang ako saka sumakay sa sasakyan.

"Ayusin nindong duwa ha, isusumbong ta kamo kila papa pag naaraman kong may ginibo kamong kalukohan" sabi ng kuya ni Bejay na hindi ko naman naintindihan. (Ayusin ninyong dalawa ha, isusumbong ko kayo kila papa kapag may kinawa na naman kayong kalokohan)

"Amu na kuya babakdulan ko yadi si Bejay pag nagpasaway" sabi naman ni Sanshin. (Oo na kuya papaluin ko to si Bejay kapag nagpasaway)

Napapikit naman ako dahil wala talaga akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Napatingin naman ako sa tabi ko nang pumasok si Kian.

"Sige na una na kami" paalam ng kuya nila saka tumango saaken bago sila umalis.

"Aanhin mo 'yan tape?" Tanong ni Bejay kay Kian nang makita yung hawak niya.

"Sabi ng kuya niyo lagyan daw namen ng tape ang bibig ninyo kapag naiirita na kami sa boses niyo" sabi niya naman at napailing naman ako at natawa.

Abnormal din 'to.

"At talagang gagawin mo? Abnormal ka din pala" sabi ni Sanshin.

"Bakit? Malay mo mangyare ohh diba handa lang ako" sabi naman ni Kian.

Inirapan lang siya ni Sanshin at nakipag-usap na lang kay Bejay sa salitang alien, hindi ko sila maintindihan ehh hahahahaha joke lang, I think that's their own language here.

"Ohh Efren eto google map sundan mo lang 'yan" sabi ni Bejay saaken at inabot yung phone niya saaken kaya kinuha ko naman at nilagay sa lagayan ko ng phone dito sa harap, phone holder kung baga.

"Magsisimula na kayong mag video?" Tanong ni Kian kaya tumango naman kami.

BEJAY POV

"Oyy teka lang bakit nandito si Bejay sa tabi ko, dapat jan siya sa unahan sila yung partner sa vlog diba" sabi ni Sanshin kaya nilingon siya ni Kian.

"Sos gusto mo lang ako makatabi ehh hahaha" asar niya pero inirapan lang siya ni Sanshin. "Just kidding, Jay palit na tayo dali nang makaalis na tayo" excited niyang sabi.

Bumaba naman ako at kinurot si Sanshin sa bewang ng palihim pero ngumiti lang siya saaken, ang harot!

"Insert niyo na lang kaming dalawa" sabi ulit ni Kian at tumango na lang kami ni Efren.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now