Chapter 47

97 7 0
                                    

❃❃❃

NICO POV

Day passed at umuwi kaming lahat doon sa bahay ng lolo ni Bejay para asikasuhin ang burol niya. Tatlong araw na ang nakararaan ng mangyare 'yon at hindi ko na ulit nakitang umiyak si Bejay kaya nag-aalala ako.

"Kaya mo pa? Take a rest Bejay" sabi ko sakanya ng makapasok siya sa kusina.

"Kaya ko pa–"

"No you don't" putol ni tito sa sasabihin niya kaya gumilid ako. "Anak, umuwi ka muna ha. Kami na ang bahala dito. Nico, iho pwede mo ba siyang samahan?" Sabi niya kaya tumango ako.

"I'll take care of her tito" sabi ko at napabuntong hininga naman si Bejay at wala ng nagawa kundi ang sumunod sa tatay niya at sumama saaken pauwi.

Tahimik pa rin siya. Ilang araw ko na din hindi nakikita si Benleen at ilang araw ko na din binabatayan si Efren pero nakakulong lang siya sa room niya at ni hindi lumabas kaya kahit sobra ang inis ko sakanya nag-aalala ako sa isang 'yon.

Magkababata kami, kami nina Bejay, Efren, Benleen at ako. Wala ako masyadong alam sa nangyare sakanila dahil nung mangyareng nawala ang mga memorya ni Efren ay nasa Manila ako noon, nag-aaral. Nabalitaan ko na lang na patay na si Benleen pero hindi natagpuan ang katawan niya kaya grabe yung sakit at pagsisi ni Bejay sa sarili niya.

Ganon din kay Efren, ang alam ko lang ay aksidente ang nangyare sakanilang tatlo, wala ng iba. Nasaksihan ko noon yung pagdudusa at pagpaparusa ni Bejay sa sarili niya, nagkukulong siya sa kwarto at hindi kumakain, minsan pa siyang nagtangkang magpakamatay pero buti na lang ako hindi natuloy. Nakakausap ko siya pero ang kapatid at si Efren ang pinagkekwentuhan namen. Sobra... Sobra ang dinanas ni Bejay noon kaya magsimula noon hindi man kami nagkikita, tinatawagan ko ang kuya niya para kamustahin siya.

"Kaya ko na mag-isa dito. Matutulog na muna ako" sabi niya pagbaba ng sasakyan ko at dumiretso sa loob ng bahay nila kaya napabuntong hininga na lang ako at pumunta doon sa hotel.

Pagbaba ko ng sasakyan saktong nakita ko si Efren dala-dala ang mga gamit niya kaya nilapitan ko siya.

"Aalis ka na?" Sarkastiko kong tanong.

"Oo. Para naman hindi ko na kayo maistobo ni Bejay" mapait niyang sabi kaya tumawa ako sabay suntok sakanya.

"Ehh sa tarantado ka naman talaga pala ehh!" Pasigaw kong sabi sakanya at sinuntok pa siya ng isa sa mukha. "Alam mo ba kung anong ginagawa ngayon ni Bejay ha? Tapos ikaw, heto iniisip na pinagpalit ka niya saaken! Bobo ka ba!?" Sabi ko pa bago ko hinawakan ang kwelyo ng damit niya.

"Aalis ka ng hindi naririnig ang paliwanag niya?"

"What for?"

*Pak*

"Wala ka pala ehh! Susuntukin kita hanggang sa matauhan ka! Hindi sana ako magsasabi neto sa 'yo pero mukhang kailangan mo ehh kasi ang kitid niyang utak mo!" Sigaw ko sakanya. "Noong araw na nakita mo kami sa rooftop, alam mo ba kung bakit umiiyak siya ha?" Tanong ko.

Naikwento saaken ni Bejay na nakita niya daw kami nung araw na 'yon kaya nag-alala siya ng sobra noon dahil baka isip netong gong gong na 'to na pinagsasabay niya kami. Hindi naman siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Tinawagan niya ang mommy niya para gumawa ng paraan para matulungan ka sa problema ng kumapnya ninyo! Umaga nung umalis siya napagdisesyunan niyang pumunta ng Manila para kausapin ang mga magulang mo pero sumama ako dahil nag-aalala ako na baka kung anong mangyare sakanya kapag pumasok siya sa kumapanya ninyo!" Sabi ko ulit at mukhang nagulat siya sa sinabi ko at bigla namang may namuo na luha sa mata niya.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now