Chapter 33

128 13 0
                                    

❃❃❃

ERFEN POV

Nandito na ako sa loob ng room ko katabi ng room ni Bejay at hinahanap ko yung maliit ko na unan dahil mas komportable ako kapag 'yon ang ginagamit ko kaso wala dito saaken kaya lumabas ulit ako at pumunta sa harapan ng room ni Bejay.

Handa na sana akong mag doorbell nang napayuko ako at napakunot ang noo ng makakita ang isang picture na nakaipit sa ilalim ng pintuan kaya kinuha ko 'yon.

It's another picture of us. Kanina 'to nung papunta kami sa loob nung restaurant dito sa loob ng hotel. Tumingin naman ako sa kaliwa't kanan at nagbabakasakaling makita ang taong naglagay neto dito. Tinignan ko naman ang likod nung picture at binasa ko yung nakasulat doon.

'See you soon, sweetie'

Nagmadali naman akong bumalik sa kwarto ko at nilagay 'yon sa bag ko saka nagmamadaling bumaba at nang marating ko ang ground floor napahinto ako ng makitang inaayos ang iilang cctv kaya lumapit ako sakanila at nagtanong.

"Uhmm excuse me po, pwede po magtanong?" Tanong ko.

"Ano po 'yon sir?"

"Lahat ho ba ng cctv inaayos ninyo?" Magalang kong tanong.

"Ahh opo, nagsisimula pa lang ho kami ngayon sir bakit po?"

"Wala naman ho, pero yung ibang cctv po ba nakabukas pa rin?" Tanong ko ulit.

"Hindi ho sir ehh, pinatay ho lahat maliban sa mga cctv sa palibot sa labas netong hotel sir" sabi niya kaya napatango-tango ako.

What the hell!

"Ahh ganon ho ba, maraming salamat po" sabi ko at bumalik na lang ulit sa taas dahil wala naman akong mapapala.

Gusto ko sanang ma-check ang cctv camera doon sa floor kung saan kami naka stay pero nakasara pala kaya hindi ko makikita kung sino ang taong naglagay nung litrato doon.

*Ding dong*

Pindot ko sa doorbell ng room ni Lola Bejay at agad namang bumukasa ng pintuan.

"Bakit?" Tanong niya na ulo lang ang nakikita ko sakanya.

Ngumiti naman ako bago nagsalita. "Nakita mo ba yung unan ko? Yung maliit lang, wala kasi saaken" sabi ko.

Lumingon naman siya sa likod at tumingin ulit saaken. "Nandito saaken, pasok ka. Ayy teka 'wag muna! Papasukin mo muna sa banyo bago ka pumasok! Whaaaa!" Sabi niya at nagmadaling umalis sa harapan ko kaya napangiti ako.

Naliligo ata ang isang 'yon hahahaha.

"Pumasok ka na!" Malakas na sigaw niya mula sa banyo kaya pumasok naman ako at kinuha yung unan ko saka naupo sa sofa.

Maayamaya lang din lumabas na ng banyo si Bejay habang pinupunasan ang buhok niys.

"Akala ko umalis ka na? Bakit nandito ka pa?" Tanong niya.

"Akala ko din ehh" natatawang sagot ko kaya nginiwian niya naman ako. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko.

"Nahihilo ako" sabi niya na ikinagulat ko kaya binitawan ko naman ang unan ko at tumakbo palabas ng room niya.

BEJAY POV

Nagulat naman ako dahil sa lakas ng pagkakasarado nung pintuan paglabas ni Efren.

"Anong nangyare doon?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko at nagkibit balikat na lang bago uminom ng tubig mula sa ref saka naglakad palabas ng mini kusina.

My Probinsyana Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon